Chapter 2

24 2 0
                                    

Awkward moment...

CHAPTER 2



Matapos nilang kumain ng hapunan sa kusina ay nag usap usap muli sila tungkol sa pagtira nila sa mansion at sa iba pang bagay.



"Sigurado ka ba talaga Beatrice na dito na kami titira? Hindi ba nakakahiya sa inyo?" Unang nagsalita ang mama ni Ysa habang seryosong kausap ang kaibigan nitong si Beatrice.



"Oo naman. I'm sure about it. At may isang salita ako. Kaya nga nandito kayo ngayon dahil ako mismo ang may gusto na dito kayo tumira para makasama namin kayo." Seryosong sabi nito sa kanyang kaibigan. "Tsaka wag kayong mahihiya dahil simula ngayon magiging isang pamilya na tayo." Dagdag na sabi pa nito.



"Naku maraming salamat naman po. Pero may papakiusap po sana ako sa inyo kung maaari lang po at sana pumayag kayo..." Pagsali ni Ysa sa usapan at humarap sa mag asawa.



Nagkatinginan ang mga ito at sabay na tumango.



"Sure. Ano yon, jiha?" Tanong ni Beatrice sakanya.



"Bilang pagtira namin dito ng libre, gusto ko po sanang magtrabaho kami bilang kabayaran at para narin po may maitulong naman kami sa mga kasambahay dito. Baka po kasi maging pabigat kami sainyo." Nakayukong sabi nya sa mga ito.



"No. Hindi kayo magiging pabigat sa amin. Like what I've said earlier na isang pamilya na tayo kaya feel at home at wag kayong mahihiya sa amin. Atsaka hindi nyo na kailangan pang magtrabaho at maging kasamabahay dito dahil marami naman kasambahay dito at kaya na nila ang tungkulin nila." Mahabang paliwanag ng babae rito.



"Pero Beatrice gusto lang naming makatulong sakanila atsaka sanay naman na kami sa gawaing bahay kaya payagan mo na kami. At para magkaroon din naman kami ng silbi dito. Nakakahiya naman kasi talagang tumira ng libre na wala kang naitutulong kahit konti." Sabi sakanya ng matalik nyang kaibigan.



"Kami naman ang may gusto at nagboboluntaryo kaming gawin 'yon ng bukal sa loob namin kaya sana pumayag na kayo." Sabi ni Bernardo na nakisali narin sa usapan ng mga ito.



Bumuntong hininga ang babae at walang nagawa kundi sumang ayon na lamang sa gusto nila. Tutal sila rin naman ang may gusto at papayagan nya ang mga ito.



"Sige na nga kung 'yan talaga ang gusto ninyo. Pero sana wag kayong magtatrabaho ng masyado ha? Ayokong mapagod kayo at magkasakit kayo. Gusto ko ay safe kayo palagi at walang masamang mangyari sa inyo." Nginitian naman nila ito nang sabihin nya 'yon sa kanila.



"Makakaasa ka, Beatrice. Ikaw talaga napakabait mo. Dinaig mo pa ang birheng Maria sa sobrang kabaitan mo. Hulog ka talaga ng langit." Napangiti naman ang kaibigan nya sakanya ng sabihin nya ang mga 'yon rito.



"Pareho lang tayo ng ugali, Belinda. At alam ko naman na kung kami ang nasa kalagayan nyo ngayon ay ganito rin ang gagawin nyo sa amin. Hindi ba?"



"Oo naman syempre!"



Napangiti naman ang mag asawa sa narinig nila mula rito. Mabuti naman kung ganon rin pala ang gagawin nito. Mag bestfriend talaga sila.



"Senyorito Kevin nandyan na po pala kayo." Napatingin ang lahat kay Manang Josie ng magsalita ito sa gilid.




"Son, come here. I'll introduce you to them." Sabi ni Bobby sa lalaking hindi maipinta ang mukha na halatang wala ito sa mood.



Umupo naman ang lalaki sa tabi ng mga magulang nya at bored na tumingin sa mag pamilya.



"Belinda, Bernardo at Ysa, sya nga pala ang nag iisang anak namin na lalaki. At ang pangalan nya ay Kevin. Say hi to them anak." Nakangiting sabi ng mommy nito sa kanya.



"Hi po." Masunurin naman ito at nag hi nga sa magpamilya.



"Ang gwapo gwapo mo naman jiho. Siguro marami kang girlfriend, ano?" Tanong ni Belinda.



"Belinda!" Saway naman sakanya ng asawa nyang si Bernardo at umiling iling ito.



"Hmm, you're wrong Belinda. Hindi pa 'yan nagkakaroon ng girlfriend since birth. Pero marami naman 'yan na kafling. Hindi pa kasi 'yan marunong mag seryoso. Binata pa kasi at gusto munang i-enjoy ang buhay nya. Ewan ko ba dyan at hindi humanap ng girlfriend nya at hindi 'yong fling fling lang. Hindi nagmana sa daddy nya na loyal at faithful sa akin." Mahabang sabi ni Beatrice rito at nginisian lamang sya ng babaero nyang anak na lalaki.



"Ikaw ba, Ysa? May boyfriend kana ba? O manliligaw pa lang? Sigurado akong maraming nanliligaw sayo! Sa ganda mong 'yan imposibleng wala." Nagulat naman si Ysa nang bigla syang tanongin ni Beatrice.



"Hala! Anong sasabihin ko? Nahihiya ako." Sa isip nito.



Sa kabilang banda naman ay pinakatitigan ng lalaki si Ysa na wari inoobserabahan nya ito mula ulo hanggang paa. Napasinghap sya ng makita nyang bakat ang dibdib nito at medyo kita na ang cleavage nito. Hindi nya maintindihan ang sarili nya. Imbis na titigan nya ito dahil 'yon ang ginagawa nya sa mga babaeng kafling nya pero ang ginawa nya ay tumingin sya sa iba at bigla syang nailang sa nakita nya. Hinintay nya na lamang na magsalita ito.



"A-Ano po... Ang totoo po wala pa po akong naging boyfriend since birth. At may nanliligaw naman po sa akin pero hindi ko sila pinapayagang manligaw dahil ayoko pa pong magkaroon ng boyfriend... dahil po may hinihintay pa ako." Hininaan nya ang huli nyang sinabi kaya walang nakarinig sa kanya.



"Hinihintay ko pa sya. At sya lang ang gusto kong maging boyfriend." Sa isip nito habang nakangiti.



Napakunot noo naman ang lalaki sa narinig nya mula sa babae.



"Wala pa syang naging boyfriend? Seriously? Anyway sino kaya 'yong hinihintay nya?" Sa isip ng lalaki.



Akala ni Ysa na walang nakarinig ni isa sa huling sinabi nya. Pero nagkamali sya dahil malakas ang radar ng lalaki kaya kahit mahina ito ay narinig nito ang huling sinabi ni Ysa.




"Ohhh, good to know that jiha. Masyado ka pang bata kaya wag ka muna mag boyfriend. Marami ka pang makikilala dyan sa tabi tabi at malay mo nakatadhana kayo para sa isa't isa." Sabi ni Beatrice dito.




"Baka ako ang hinihintay nya..." Nagulat ang lahat nang biglang magsalita ang anak nila Beatrice at Bobby na si Kevin.



Nanlaki naman ang mga mata ni Ysa sa sinabi nito. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin kay Kevin. Samantalang si Kevin naman ay pasilip-silip ng tingin kay Ysa.



"Damn. Bakit ko ba nasabi 'yon?" Naguguluhan rin ito dahil bigla nya na lamang nasabi ang mga 'yon kanina.



"Ano?/What son?/Anong sabi mo jiho?/Anong ikaw ang hinihintay nya?" Sabay sabay na sabi naman ng apat na mag asawa kay Kevin at ngayon ay tutok na tutok ang mga mata nila sa lalaki.



"Anong sinabi nya? Sya yung hinihintay ko? Ibig sabihin narinig nya ang huli kong sinabi?" Bulong ni Ysa habang nakatingin rin kay Kevin.





To be continued...

We Are DestinedWhere stories live. Discover now