PILAK NA LUHA

246 6 0
                                    

Luhang pumapatak,
Agos na malakas,
Waring mga pilak
Sa mata'y dumanak,
Irog, tanging hangad
Ang dampi mo't lunas.
Pawiin mong ganap
Ang luha kong hamak,
Bigyan mo ng galak
Pusong naghihirap,
Giliw, pakipunas
Ng balong ng iyak.

Mga Kundiman sa Simbahan ng San AgustinWhere stories live. Discover now