Chapter 77 "trip lang ba!"

4.8K 75 8
                                    

***

MJ's POV

Ayan. malapit nang mag 8 pm siguro dapat na ako pumunta kanina. okay na kaya itong suot ko? ah bahala!

"May lakad ka?" tanong ni Nico habang nasa living room at umiinom atah ng kape

"0o"

"Gabi na, san ka pupunta?"

"Dyan lang sa sky restaurant" at nagderetso na sana ako sa pinto

"T-teka--"

Napalingon ako sa kanya

"Anong gagawin mo don?" tanong nya

"Magkikita lang kami ni Troi" aalis na sana ako nang bigla na naman ako napahinto sa dahil sa boses nya

"Si Troi!? " tumayo pa sya nyan.

Kumunot noo akong tinignan sya

"0o, si Troi. Bakit?"

Nag-iwas lang sya ng tingin.

"Aah, parang di ko na naman gusto yang iniisip mo ah. Hm.. pupunta lang ako don kasi gustong ipakilala sakin ni Troi yung babaeng gusto nya" at aalis na sana ako

"Aaah!" napahinto na naman ako at lumingon sa kanya

"Ano na naman?!" problema nito? Tss,

"Aaa w-wala. pupunta ka ba talaga?"

"0o naman, kita mo nga e kanina pa sana ako aalis kaso para ka pang reporter dyan. Ge. Alis na ko" tapos lumabas na ako ng bahay

***

Nico's POV

DI MAARI. Ano na bang mangyayari kapag pumunta sya? Hindi sya pwedeng pumunta.

Anong gagawin ko? ano? ano?

Ahh. Dapat kasi hindi sya pupunta.

Nagmadali akong lumabas ng bahay para sundan sya.

Nasa labas na ko ng gate pero wala na sya.

Di pwede 'to. Hindi naman sa kinokontra ko yung pinsan ko. Hindi ko lang kasi kaya na mapunta sa iba si MJ. Ewan ko basta ayokong mapunta sya sa iba. Ang problema lang kasi bakit pagdating sa kanya natotorpe ako!? lintek lang e mauunahan pa ba ako ni Troi---

Napayuko na lang ako na umupo dito sa upuan sa labas ng gate.

Pano na lang kung magiging si Troi na at si Mj? ewan ko rin ba kasi pakiramdam ko may gusto si Mj kay Troi kaya lalo akong nag aalala ngayon sa nararamdaman ko. pano na lang ako?

Bakit ganito? Natatakot ako sa mangyayari. Parang gustong pumatak ng luha ko

Di pwede. hindi pa ako huli diba? tama. Hindi pa huli ang lahat. Agad akong tumayo para sundan si Mj.

Natigilan ako sa paghakbang nang makita ko si Mj, bumalik sya at mukhang busy sa sling bag nya.

Napatingin sya sakin at napahinto "0h Nico.. Bat nasa labas ka?" tanong nya sakin

Sabi ko na nga ba, hindi pa huli ang lahat.

Hindi ako sumagot sa tanong nya.

Walang imik na nilapitan ko sya at saka niyakap.

Parang sa mga oras na 'to ayoko na syang bitawan. Ayokong umalis sya. Alam ko nagtataka sya sa ginawa ko pero ayos lang.

***

Min Jae's POV

Takte lang e! sasakay na sana ako ng taxi naiwan ko pala wallet ko sa bahay. kaya bumalik na lang muna ako

busy ako sa kakahalungkat ng bag ko kasi pati cp ko atah naiwan e. Hindi pa naman ako uliyanun ah!

napahinto ako sa paglakad ng pag angat ko ng ulo ko si Nico ang nakita ko. ang weird lang kasi, mukhang malungkot, tsaka anong ginagawa nya dito sa labas ng gate dala pa yung slipper sa loob ng bahay

"0h Nico.. Bat nasa labas ka?" tanong ko

Pero hindi sya sumagot.

Tahimik lang sya na tinignan ako.

Nagulat na lang ako nang bigla syang lumapit at--

at... Niyakap ako ₹____₹

Nanlaki ang mga mata ko dahil nabigla ako. Hindi ko man maintindihan pero hinayaan ko lang sya. Hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit parang gusto ko syang yakapin pabalik pero ganon man hindi ko yun ginawa.

"Nico, bakit?" tanong ko. May problema kaya sya?

Kumawala na ako sa yakap na yon.

"Hindi ko alam kung bakit" sagot ni Nico

Tinignan ko sya sa mga mata "N-niyakap mo ko, tapos hindi mo alam kung bakit?"

"0o nga. Hindi ko alam kung bakit, masaya lang siguro ako na bumalik ka"

"Ha?" hindi ko sya magets .

"Naiwan ko lang kasi wallet ko, kaya bumalik ako saka alam ko hindi yun ang dahilan kaya mo ko niyakap" may naalala ako bigla "Aaah! o baka naman pinagtitripan mo na naman ako?!"

"Hah? H-hindi ah"

"Luh! 0kay na po Nico. Naiisahan mo na naman ako. Pinag papraktisan mo na naman atah ako para dyan sa Willya mo e"

"Hinde."

"0o na. 0kay na ang yakap na yon. okay na okay na yon. nakakagulat lang kasi sana lang ba sa sununod magsabi ka muna kung balak mo akong pag praktisan ng mga gagawin mo sa Willya mo pwede?!"

"Mj, hindi ganon e. mali ka"

"0o nah! lagi naman akong mali e, nung sinabi mo noon sakin na I LOVE YOU alam mo ba kung anong mali ko noon? kasi inakala ko para sakin talaga yon. Yun pala practice lang para sa Willya mo!" tengena lang kasi, nakakaasar na! At ewan ko naman, naiinis ako kung praktis lang din ba ang tawag sa yakap na yon.

>

ONE HOUSE WITH MR. ENEMY!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon