flashBacK

38 0 0
                                    

Sa pagsakay nila ng taxi ay isa lang ang nasa isip ni Sky, ---si Trey. Sa isa'ng iglap ay bumalik lahat ng masasaya'ng araw na magkasama sila. At sa isa'ng saglit din, bumalik ang sakit na nagawa nito sa kanya.

                                                                             ~~Sky's POV~~

        "Si Trey, nakakatuwa, hindi padin sya nagbabago. Isa'ng careless na driver, haizt! Totoo nga, maliit ang universe, at kahit ano'ng iwas ko sa mundo nya, magkakabangga at magkakabangga kame. Hindi ko alam kung bakit parang namiss ko yung friendship namen pero dapat galit ang nararamdaman ko sa kanya. MALI TO. Sana hindi sya napano."

Naputol ang pag-iisip ni Sky ng bigla nya'ng naramdaman ang bigat sa balikat nya. Si Red, tulala habang nakahilig sa kanya, kita padin ang takot sa mata nito dahil sa nangyare. Hinawakan nya ang pisngi nito at pinunasan ang luha na bahid ng pag-iyak nito.

        "Grabe, kala ko astigin ka Red, umiiyak at natatakot ka din pala. Haha! Tama na yan.. kalimutan mo na yon, pasensya ka na kung inaya pa kita'ng maglakad ha? Wag ng matakot, hindi bagay sa bangs mo."

                "Natakot talaga ako Sky, paano kung wala ka don? Paano kung hindi umabot ang paghila mo sa paglapit sa akin ng kotse na yon? Paano kung--"

Naputol ang pagsasalita ni Red nang hawakan ni Sky ang bibig nito na tila ba pinapatigil sya sa pagsasalita.

                "Ssssh.... Tama na Red, dahil lahat ng wat ifs mo, hindi nangyare at pipilitin ko'ng hindi mangyare, may natatandaan ka ba na pagkakatao'ng wala ako sa tabe mo pag kailangan mo ko?"

                "Wala Sky, nung muntik na akong makagat ng aso, nung may mga bratt na bumubully saken sa school nung freshmen palang ako. Nung una'ng competition na hindi nakarating si Mama, kahit nung nacra ung sapatos ko habang naglalakad tayo. Nakakatawa noh?"

Unti-unti nang napapangiti si Red habang binabalikan ang mga bagay na naging tagapag-tanggol nya ang pinaka-matalik na kaibigan. 

                "Anu'ng nakakatawa don? Eh pinaglakad mo nga ako ng nakatapak non dahil kailangan mo'ng suotin yung sapatos ko. Haha!"

                "Huy Sky, ikaw ang nag-offer nun, hindi lang talaga ako pwede'ng mag-apak nun dahil may praktis ng sayaw kinabukasan baka magkapaltos ako. Pero bagay naman yun sayo. Hahaha!"

Napupuno na ng tawanan ang loob ng taxi at unti-unti nang napapanatag si Red habang papalapit na sila sa eskwelahan. Natigil ang tawanan nang magbato ng hindi inaasaha'ng tanong si Red.

                "Sky, kilala mo yung lalaki na muntik nang makabangga sa'tin?"

                "Ah, oo Red. Pero wag na natin sya'ng pag-usapan."

                "Yun lang naman ang gusto ko'ng malaman. :) Parang familiar yung boses nya, hindi ko alam kung saan ko narinig. Dapat nag-iingat sya. Pero wag mo ng uulitin yun ah? Hindi bagay sayo ang nagbabato ng bad words. Pa-bad boy effect ka pa. Haha!"

Ngiti lang ang itinugon ni Sky sa kaibigan hangga'ng sa marating na nila ang eskwelahan. Sabay sila'ng pumasok sa classroom at hinarap ang mahaba'ng araw. As for Trey?

                                                                                ~Trey's POV~

                "Sky's still the same, overprotective friend. I can feel that he is still mad me, ngayon lang ulit kame nagkita and yet, masama padin ang loob nya, psh! napaka-immature talaga, pero naiintindihan ko kung bakit ganon nalang ang sama ng loob nya saken.but why didn't he let me bring his friend in the hospital? He should've let me para makasiguro na wala'ng nangyare sa kanya, hindi ko din alam kung inabot ba sya ng kotse ko o nakalayo sila agad. Pero ayos nadin na hindi sila pumayag dahil baka hindi ako makaabot kay Sophia. SI SOPHIA! sandale, anu'ng oras na ba? God! Late na 'ko!"

A Mcdo Luv Story ♥♥on-going♥♥Where stories live. Discover now