Day 1: My First Love

10 3 0
                                    

Weeks passed and finally tapos ang ang library at nailagay ko na lahat ng librong meron ako, at ang sarap nilang tignan, maluha luha pa ko habang kinukuhanan ko ng litrato ang buong kwarto, nag iwan ako ng space sa isang cabinet para pag dumating yung time na nakapag sulat nako at naging libro na sila ay duon ko ilalagay, sana lang talaga e bigyan ako ni Lord ng opportunity na magawa ko yun. I'll be the happiest person if that happens.

Kahit na malinis na ay paulet ulet padin akong nag wawalis sa loob ng library ko, halos dito na naubos yung oras ko, simula umaga hanggang tanghale. Nakalimutan ko na ngang maligo at tila ba di ako nakakaramdam ng gutom ngayon.  Sobrang overwhelming lang talagang makita na finally few step away nalang ako sa paradise na gusto ko.

Nung napalagay ko ay malapit nang mapudpud ang sahig dito ay tinigilan ko na ang pag wawalis at isa-isa namang pinunasan saka binalutan ng plastic cover yung mga libro. Nang mapagod ay nag pahinga muna ko sa kwarto saka naligo, dahil nangangati na rin ako dahil sa mga alikabok, di kasi ako nag patulong sa iba na mag ayos dito dahil gusto kong ako lang mismo ang gumalaw at mag ayos sa library ko. Mabuti nalang at Christmas vacation na namen.

Nang tapos ko nang ayusin ang sarili ko ay nahiga nako sa kama ko, at maya maya ay naka tulog ako dala na rin siguro ng pagod sa pag lilinis at pag babalot ng mga libro.

Ako ang iyong genie, ano ang wish mo?

Nagulat ako nang may makitang genie na lumabas mula sa isang botte na may lamang iba't-ibang kulay na buhangin

Genie in a bottle huh? Pano ka naman na punta jan?

Dahil nararamdaman akong may gustong gusto ka hilingin. 

totoo ba to? Totoo ba yung mga genie? Baka kasi iniechos lang ako nitong genie kuno na to e. baka mamaya umasa ako sa wala, mahirap na aba!

Are you even real? Pano ko malalaman na talagang tunay ka?

Try it to believe it

Wala naman sigurong masama kung di ko susubukas diba?

Ok sige, ang wish ko is to be a one of the famous wattpad author.

Sa halip na tuparin ang hiling ko ay tumawa sya ng tumawa. Gusto kong batuhin ng sapatos to genie na to e, tatanong tanong tapos tatawa? Langyang yan.

Alam mo, pwedeng pwede kong gawin yan pero bago ko ibigay ay iyong kahilingan ay nais ko munang sabihin sayo na ang isang pangarap ay hindi maaabot kung hindi ka hahakbang.

Di lang pala sya genie ha? Pakelamero din, but if you look on the other side, he has a point. Pero di ko kasi talaga alam kung pano ko mag sisimula e.

Pero.. Di ko alam pano ko mag sisimula

Mag simula kang mag sulat ng mga bagay na gusto mong mabasa. It will be a good start

Pe-pero wala akong gamit.

HELLO!! Kakabili mo lang diba?

Genie ka ba talaga paparazzi?

And suddenly he disappeared, at bigla akong nagising... Tss natawa nalang ako sa sarili ko dahil sa paniniwala sa isang genie na mula lang pala sa aking panaginip.

Nag punta nalang ako sa kusina para kumain ng hapunan at nadatnan ko sila daddy dun na kumakain, sakto pala ang pag punta ko

Oh anak, mabuti naman at nagising kana, halika na at kumain

Yes dad. By the way thank you nga po pala sa pag papagawa ng library for me. You don't know how happy I am

All for you my princess

A wattpader's dreamWhere stories live. Discover now