V

6 0 0
                                    

START...

Pagkatapos ng mainit na pag-uusap ay umakyat na din ako sa itaas..

"Natagalan ka?"tanong kaagad ni Van nang makapasok ako sa kwarto.

"Wala lang"pagod na sambit ko.

Umupo naman ako sa higaan ko kasi nakaupo si Van doon sa working table ko kaya walang choice.

Ang dami dami nang problema simula noong nawala si lolo at nung dumating si Van.

"May sakit ka?"pagpuputol ni Van sa iniisip ko.

Gamit ang swivel chair lumapit siya sa akin para hawakan ang noo ko.

Nang makaupo siya sa harapan ko at hinipo ang noo ko..Hinawakan ko ang kamay niya na ikinagulat niya.

"Pag may masamang mangyari..Sinong pipiliin mong iligtas Van?"wala sa sariling sambit ko.

"Siyempre yung nasa panganib.."singkit matang sagot niya sa akin na parang nagtataka sa tanong ko.

Hindi ko parin binibitawan ang kamay niya..

Pinagsiklop ko ang aming mga daliri at ipinatong sa hita ko,tinitigan niya naman ang pinagsiklop naming kamay pero agad ding binawi at tumingin sa mata ko.

"Ang ibig kong sabihin.."atentibo naman siyang nakinig sa akin at umayos pa ng upo.

"..paano kung nasa panganib ako..at-at may isang tao na nasa panganib din..s-sinong sasagipin mo?"kinakabahang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako makapag-react ngayon.Natatakot nga ba ako..kung oo sa ano naman?

Masyado na yata akong paranoid..Pati pa robot dinadamay ko sa kagaguhan ko..nakakatawa hindi ba?

"ahmm.."nahihirapang sagot niya.

Ano nga bang sagot ang gusto kong marinig mula sa kaniya?

"Maaari ko kayong maligtas dalawa!pero siyempre uunahin kita!"giliw niyang sagot sa akin.

Nginitian ko lang siya..isang mapait na ngiti pero hindi ko pinahalata

Sana nga..sana nga kapag natandaan mo siya hindi mo ako makalimutan..

"Halika na ihahatid na kita sa tulugan mo.."pag-anyaya ko sa kaniya.

Nauna akong tumayo at hinigit ko nalang siya mula doon sa pinagsiklop naming mga daliri.

Kahit na malapit lang naman ang capsule niya hinawakan ko padin ng mahigpit ang kamay niya na para bang ayaw kong kumawala o mawala siya.

"Sige.."may ngiti sa labing sambit niya,at naglakad kasama ako papunta sa tulugan niya.

"Siya nga pala.."pagpuputol ko bago siya pumasok sa loob ng tulugan niya.

Natigil naman siya at lumingon sa akin..

"Ayos lang kahit matagalan kang gumising bukas..Huwag kang lalabas kapag hindi pa ako gising atsaka kapag may kailangan ka gisingin mo lang ako..gigising ako para sa'yo"mahabang sambit ko sa kaniya..

"Oo na..oo na po"tatawa tawang pag sang-ayon niya na para bang biro lang lahat ng sinabi ko.

Tignan mo nga tong robot na to kala mo tao kung umasta nagsasalita ako ng matino dito tapos tatawanan lang ako?!

"tch!"Imbis na mainis natawa na lang din ako sa naging reaksiyon niya pagkatapos nang mahabang sinabi ko.

Papaalis na ako nang magsalita siya sa loob ng higaan niya na nagpatigil talaga sa akin..

 MY GRANDFATHER'S FIRST LOVE(on Going)Where stories live. Discover now