Chapter 1

29 1 3
                                    

"So, ano pinag-usapan niyo?" Sabi ni Herinia at ngumiti sila ng nakakaloko.

Nandito kasi kami sa bahay namin, bago kami umuwi bumili muna kami ng makakain kaso ubos na.

"Nagtanong siya sa akin ng 'What if na in love daw a-"

"AYIEEEEEEEEE!!!!!!!!!!" -Herinia

"IHHHH KINIKILIG AKO!!!!" -Raizel

"HAHAHA SABI NA NGA BA EH!!!" -Davis

"Ano sinabi mo?" Tanong sa akin ni Raizel na nakangiti parin ng nakakaloko.

"Hindi naman mangyayari 'yon."

"Eh, paano kung nangyari?" Tanong naman ni Davis.

"Hindi ko naman siya gusto."

"Paano kung mahal ka niya?" -Davis

"Ayoko makipaglaro sa kanya."

"Paano kung hindi siya nakikipaglaro?" -Davis

"Eh 'di, panindigan niya yung sinabi niya. Ah, eh, joke lang ayoko mag-boyfriend habang nag-aaral 'no! Isang taon na lang oh!!"

"Paano kung kaya niya mag-hintay?" -Herinia

"Bakit ba ang daming tanong?!"

Wait, bakit parang ganun 'yung tanong din niya?

"Tigi-" biglang tumunog yung cellphone ko. Tinignan ko ito.

Bret Anthony Carter sent a friend request

Hindi ko na lang ito pinansin at binaba 'yong cellphone ko. Tumingin na ako sa mga kaibigan ko na nakangiti na naman ng nakakaloko.

"Oh, bakit?" Nakakunot noo kong tanong.

"Thank you, Breya!!" Sabay nilang sigaw na kinakunot ng noo ko lalo.

"Huh?"

"Nang dahil sa'yo na-accept na 'yung friend request namin kay Bret!!" Masayang sabi ni Davis.

Nag-ring ulit cellphone ko may isang mensahe galing sa unknown number.

From: 63**********

Hi baby, this is your boi Bret. <3

What the f?

"Ano sabi?" Tanong ni Raizel at agad kong pinakita yung cellphone ko.

"WAHHHHH 'BABY' DAW OH!!!" -Herinia

"AYIEEEEEEEE 'YOUR BOI' DAW OHH!!!!" -Raizel

"PAHINGI NG NUMBER NIYA!!!!!!!" -Davis

Hay naku.

Agad ko naman kinuha 'yong cellphone ko at pinatay ito.

"Kukuhain ko pa yung number!!" Sabi ni Davis habang kinukuha 'yong cellphone ko.

"Dinelete ko." Sabi ko tapos ngumiti na naman sila ng nakakaloko.

"Uy!! Si Breya tinatago yung number ni Bret!!!" Panunukso ni Herinia sa akin. Pinalo naman ni Davis si Herinia.

"Ayun dapat sasabihin ko, eh! Inunahan mo na naman ako." Nagtatampong sabi ni Davis natawa na lamang ako dahil pinalo din ni Herinia si Davis.

Tumigil sila sa kakatawa dahil may kumatok sa aking kwarto.

"Bukas 'yan." Sabi ko, binuksan naman nito ang aking pinto at ang kuya kong kambal ang pumasok kasama 'yong younger brother namin.

"Ay! Nandito na ang tatlong pogi. Si Brandon,Brendon at Brelledon. Ang po-pogi talaga!" Kinikilig na sabi ni Davis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm In Love With The PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon