Epilogue

797 29 11
                                    

    

              NAKANGITING pinagmamasdan ni Neon ang mapayapang mukha ng natutulog na asawa. She watched him breathing in a soft rise and fall of his body. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang sa wakas ay nakapag-isang dibdib na sila nito. Lumipas muna kasi ang isang taon bago natuloy ang kasalang pinakahihintay niya. Matapos ang kasal ay agad na lumipad sila patungong Italy.

She's been to Italy before. Sa lugar na ito siya unang nabighani sa pagkuha ng mga larawan, dito rin siya nagsimulang mangulekta ng mga antigong camera, orasan, libro, salamin, bags at kung ano-ano pa. She vowed to come back here one day with the man she lovea. And now, as she decided to share everything she loves to her husband, naisip niya na bakit hindi sila dito magsimula. Here, in this very lovely place.  

Her mouth curved into a small smile when Xanther murmurs something she can’t understand. Sa sarap ng tulog nito ay siguradong hindi ito magigising pag umalis siya sa mga bisig ng nito. But no, masyadong masarap ang mga yakap nito para tanggihan niya. At isa pa, kasalukuyabg malamig ang panahon ngayon sa italya, pasalamat na lang siya at pinapainit ni Xanther ang buong katawan niya. Literal na mainit kasi ang katawan nitong nakapulupot sa kanya. Napakagat labi siya sa naisip. 

Sa mga nagdaang buwan ay wala siyang masabi sa kakulitan at kabaitang ipinakita sa kanya ni Xanther. Of course it wasn’t perfect. Sa loob ng isang taon na iyon ay hindi lang puro saya at kilig ang namagitan sa kanila. May mga araw na nag-aaway at nagkakatampuhan sila pero sa huli ay mabilis na nagkakaayos din naman silang dalawa. Siguro, dahil na rin sa mga pinagdaanan nila. It wasn’t perfect but still, it was the best.

Sa ngayon ay hindi pa naman siya nabibigo sa mga binitiwang pangako ng asawa. Gaya ng pagpapasaya at pag-aalaga sa kanya nito ng mabuti. Sa sobrang pag-aalaga nga yata ay daig niya pa ang bata sa pag-aasikaso nito. It’s not like she was complaining either. Ang totoo niyan ay mas kinikilig pa nga siya sa tuwing nag-oover acting o di kaya’y natataranta ito pag may sakit o may masamang nararamdaman siya.

Tahimik na pinasadahan niya ng daliri ang mahimbing na mukha nito. God, he was perfect. Hindi niya alam kung papaano niya nagawang maghintay ng isang taon para tuluyang maitali ng panghabang buhay sa kanya ang lalaking ito. Maging ang mga kaibigan niya ay tutol rin sa naging desisyon nilang iyon.  Naaalala niya pa ang mukha ng matalik ng kaibigang si Red ng sabay nilang ibalita ni Xanther sa mga ito ang naturang plano.

“Ano’ng kaartehan na naman yan Neon ha? Aba’t kung ayaw ninyo pala ng agad-agad, sana sinabihan ninyo kami nang mas maaga! Sayang naman yung effort namin na i-push yung love team ninyodi'ba?” Sabi ni Red.

“Honga! Juice mio maraimar kang Neon ka. Hoy Xanther, binabawi ko na yung sinabi ko na huwag na huwag mong sasaktan 'yang kaibigan kong yan. Pektusan mo rin minsan ng matauhan!” naiiritang saad ni James na nasa harap ni Xanther.

“Bakit ba kung makapag-react kayo, eh parang kayo ang ikakasal? Alam ninyo naman na bago ulit naging kami, may kanya-kanya din kaming buhay. We need to fix everything first. And besides, nag-extend lang naman kami ng date. Hindi naman ibig sabihin no'nna hindi na matutuloy ang kasal.” Pagtatanggol naman niya sa sarili.

“Ikaw lang ang may buhay ateng. Basurero lang sabi yang jowa mo nung magkahiwalay pa kayo ‘no.”

 Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan ang "basurero" joke ng mga ito. Akman tatanunginpa lang sana niya si James nang mabilis na lumipad ang unan sa tabi niya. Nang tingnan niya ang katabing si Xanther ay inosentengnakangiti lamang ito. Natawa siya dahiliba ang sinasabi ng mga mata nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bright Like Neon LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon