Chapter Fourteen: Scream Circus (Lose My Mind) 3/3

109 3 2
                                    

Chapter Fourteen: Scream Circus (Lose My Mind) 3/3

×××

Pamela's P.O.V

Bigla-bigla akong bumalik sa aking wisyo nang masaksihan ko ang helpless na kaibigan na nakabitin pababa ng umaandar na lagari. Kinakailangan ko na talaga siyang iligtas! Kinakailangan niya ang tulong ko!

"HAYAAN MO JEIEL! MAILILIGTAS KITA!!"

Wala siyang ibang nagawa kundi ang ngumawa.

"WHAAAAAAA!!!"

Sige, titiisin ko ang pagod maisalba lang ang kaibigan ko.

"Oy handa na ako." inirapan ko si Marvin na tuwang-tuwa pa rin na nakikita akong nasasakdal.

Maya-maya ay may lumitaw na nilalang na ikinagulat ko ng grabe. Biglaang sumulpot ang isang nakakatakot na itsura ng payaso. Nakatitig at nakangisi lang ito sa akin.Yung mga pula sa mukha niya ay hindi mukhang make-up lamang. Lalo na sa bandang labi niya. Halatang dugo ang mga ito. Sugat sugat pa ang balat niya.

"Oh nagmamadali ata ang challenger natin. O siya, magsisimula na ako." suot pa rin ang nakakapangilabot na mga ngiti sa mukha, inilabas nito mula sa kanyang likod ang tatlong plastic cups na kulay blue.

"By the way, welcome sa SHUFFLE THE CUPS station." huminto muna ito saglit at sinubukan akong bigyan ng kilabot sa aking buong katawan. Napakaliit ng boses niya.

"Simple lang ang game. May isa akong piso dito." iniangat niya iyon at ipinakita.

"At ilalagay ko ito sa ilalim ng isang baso at iikutin o lilituhin ka sa pamamagitan ng aking mga taktika. Pagpapalit-palitin ko ang mga basong ito then dapat maituro mo kung aling cup ang may coin sa ilalim nito. We have three rounds. Once na nagkamali ka kahit isang round lang, mahahati ang special friend mo into half."

Napatingin ako kay Jeiel. Matindi pa rin ang takot na nararamdaman niya.

"WHAAAAAA! PAKAWALAN MO NA AKO DITO!"

"So ano? Ready ka na ba?" tanong sa akin ng nakakatakot na clown.

Tumango na lang ako bilang sagot at ngumisi nanaman ito sa akin. Kinikilabutan talaga ako sa totoo lang.

Inilagay niya ang nasabing piso sa ilalim ng isang blue na baso at sinimulang pagpalitpalitin ang pwesto ng mga 'to. Ang dali lang. Sigurado ako na iyon yung tamang sagot.

Fatal ButterfliesWhere stories live. Discover now