First Encounter

11.7K 221 4
                                    

A/N: First story so, prepare for a lot of errors.

x-x-x

"Frances, kapag ako talaga na late sa flight ko mamaya talagang malalagot ka sa'kin." Wika ni Cass habang tinitingnan nang masama ang kanyang kaibigan.

Kasalukuyan silang nasa Victoria's Secret Fashion show at base sa bilang ng mga manonood na naroon ay mukhang malapit ng magsimula ang show. Puno na ang mga upuan at settled down na rin ang mga tao.

"Ano ka ba naman, Sizzum. Sandali lang naman to at bukas pa naman ang flight mo." Nakangiting sagot naman ng kanyang kaibigan na nililibot ang paningin sa mga manonood.

"Bakit ba kasi tayo nandito eh pwede mo naman tong panoorin sa replay na lang? Besides, it's not as if interesado ka sa mga models."

"Ah. Ah." Umiiling na sabi ni Frances bago inayos ang kanyang designer na tuxedo. "Sizzum, look at the gorgeous gents around you. Yummy." Kagat-labing sabi nito.

Cass just rolled her eyes. Hindi naman kasi siya interesado sa mga lalaki na andun dahil mayroong naghihintay sa kanya sa Pilipinas. "Hay. May magagawa pa ba ako eh andito na tayo?"

"Exactly, Sizzums. Wag kang mag-alala hindi naman aalis si Stephan. Kung nagawa niyang hintayin ka ng sampung dekada sigurado akong hindi siya magrereklamo sa kaunting oras na paghihintay."

"Hindi naman si Stephan ang dahilan eh. Magkaibigan lang kame nun. Ni hindi nga nanliligaw eh." May halong pagkairitang sabi niya. Pagod na kasi siyang sagutin ang isyu sa diumano'y panliligaw ng binata sa kanya.

"Hello! Hindi nanliligaw? Eh anong tawag mo sa late night calls at halos araw-araw na pagpapadala niya ng bulaklak sa'yo kahit na andito ka sa New York? Bulag-bulagan lang, Sizzums? Ah wag ganyan. Hindi magandang magpa-asa ng tao."

"Kaya nga bibigyan ko na ng pagkakataon yung tao eh." Sabi naman ni Cass na may halong pag-aalinlangan.

"Mabait naman kasi yung tao. Napaka-gentleman. Kung hindi lang kita kaibigan, naku baka matagal ko na yun inahas sa'yo. Sa ganda ko ba namang ito. Siguradong liliko yang si Kuya."

Magsasalita pa sana si Cass nang biglang tumunog ang music, hudyat na magsisimula na ang fashion show.

For the entire duration of the show ay tahimik lang silang dalawa sa sobrang paghanga. Entertaining naman kasi ito. Para ka na ring pumunta sa star-studded na concert dahil sa mga guests artists na andun. Kahit papaano ay naaliw naman si Cass.

"Sizzums, nakikita mo ba yang susunod na model?" Sabi ni Frances sabay nguso sa isa sa mga Angels na naglalakad. "May lahing Pinoy yan. Iba talaga ang beauty nating mga pinoy kapag nahaluan. Hindi lang pang Ms. Universe, pang Victoria's Secret Angel pa. At alam mo  ba? Pinay din ang long-time girlfriend niyan."

Napalingon naman si Cass sa kaibigan pero hindi naman ito nagulat sa narinig

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napalingon naman si Cass sa kaibigan pero hindi naman ito nagulat sa narinig. "Oh. Sayang naman. Ganda pa naman niya."

"Anong sayang ka dyan? Hello, 2019 na po. At saka balita ko ay CPA-lawyer daw ang girlfriend niyan at hot din. Kung hindi ako nagkakamali ay laging dumadalo yun dito."

Magsasalita na sana si Cass nang biglang nagblow ng kiss at kumindat sa kanyang direksyon ang nasabing model. "What the--??"

"Sizzum, wag feeler. Nasa harap mo ang girlfriend." Pabulong na sabi ni Frances.

Out of curiosity ay sinubukan niyang silipin ang nasabing girlfriend pero wala siyang makita mula sa kanyang anggulo.

x-x-x

Nasa powder room si Cass ng airport nang marinig niyang may dalawang babaeng nag-uusap. Akala siguro ay walang tao dahil narinig niya ang lock ng main door. Lalabas na sana siya sa cubicle nang biglang may magsalita.

"Baby, do you really have to go?" Parang may tampong sabi ng babae na may New Yorker na accent

"This is the first time that Mom requested me to go back to the Philippines. Babe, I can't say no. You know that, right?" Sabi naman ng isang boses na nakapukaw ng interes ni Cass. Husky at sexy ang boses nito.

"What does she want from you now?" Halatang inis na sabi ng babae.

"Babe, she's still my Mom. I'll be back as soon as I can, alright?"

"Let's get married when you get back." Walang alinlangang sabi ng babae.

"What? Babe are you serious? Oh my god!" Halata sa boses nito ang saya.

"Yes. So, you better get back before I change my mind. Understood?"

"Absolutely."

Napamura si Cass nang biglang tumunog ang speaker at inanunsyo ang pagsisimula ng boarding ng kanyang flight. Sa pag-aakalang tapos ng mag-usap ang dalawa ay binuksan niya ang pinto. Laking gulat niya nang lumantad sa harap niya ang dalawang babae na naghahalikan. The two were passionately kissing na hindi man lang napansin ang kanyang presensya kung hindi lang dahil sa phone niya na nahulog.

"Shit." Mura ni Cass nang tumilapon sa paanan ng babaeng nakasandal sa pader ang kanyang phone.

"I'll miss you." Sabi ng blonde na babae nang maghiwalay ang kanilang labi.

"I'll miss you, too." Sabi naman nung isang babae na may boses na sexy. Humalik muna ito sa noo ng kanyang girlfriend bago lumingon kay Cass. "Sorry about that." Sabay kuha nito sa phone at inabot kay Cass.

"Thank you." Naiilang na sabi ni Cass na may kasabay pang pamumula ng pisngi. Dun lang niya napansin ang babae na siya rin palang Victoria's Secret model na tinutukoy ng kaibigan niya.

"Siya pala. Sayang naman. Ang ganda pa naman nilang pareho." Wika ni Cass sa sarili.

"You're welcome." Nakangiting sabi nung model at tumango naman yung kasintahan nito. Sabay na lumabas ang dalawa. Dumaan ang ilang segundo bago nagsimulang maglakad si Cass.

My Salvation (1st)Where stories live. Discover now