Prologue

165 4 0
                                    





Napabalikwas mula sa pagkakayoko si Martina nang siya ay tawagin ng kanyang guro mula sa kanyang kinauupuan.

"Aba Martina ano ang pangarap mo sa buhay?" "Ang humilata at matulog na lang?" galit na turan ng kanyang maestra.
Pasensiya na po Maam di na po mauulit.pahalukipkip niyang tugon. Palibhasa napuyat siya kagabi sa pagtulong sa kanyang ina sa pagsisilbi sa Mansiyon Ng Mga Aragon.

Oo mahirap lang sila. lahat sila ay naninilbihan sa pamilya Aragon . Ang Tatay niya na ngayun ay kahilili sa coprahan ng mga Aragon. Ang nanay niya na noon ay katulong ng pamilya ngayun ay siyang nangangasiwa sa flower farm ng pamilya. Hindi sila mahirap kung tutuusin . Ang Magulang niya ang ehemplo ng taong naging masipag at nagpunyagi sa buhay. At kahit hindi na naninilbihan ang ina sa mansiyon ay paminsanminsan itong tumutulong pag may malaking pagtitipun .
3 silang magkakapatid na puro babae. Pangalawa siya . .Ang Panganay Si Marcia 18 yrs old na kasalukuyang ng aaral sa UP Manila sa kursong Political Science. Palibhasa napakatalino nito kaya nakakuha ng full scholarship. Mahinhin ito istricta at Manang kung Magdamit. Si Maria ang pangatlo 12 yrs old ang pinaka makulet sa lahat ng Magkakapatid. Bibo ,palakaibigan at talented ito. Magaling tumgtug ng gitara at natuto nang mg piano. At siya? Ano kaya ang dapat niyang itawag sa sarili. Mahiyain , hindi palakaibigan matalino din sia ngunit nauungusan siya ng kanyang mga kaklase dahil di siya sumasali sa activities sa school. Isa lang ang kaibigan niya maliban sa kanyang mga kapatid. at ito ay si Loren . Kaya sia tinawag na Miss cabinet dahil sa tuwing may bibisita sa kanilang bahay ay agad agad siyang tumatakbo at nagtatago sa cabinet.

"Uy Martina napuyat ka na naman? May celebrasyon na naman doon sa Mansiyon nuh? "ani Loren na kababata niya .

"Hayaan muna masaya naman ako sa aking ginagawa." "Marami akong nakikitang kayrikit na mga dalaga puro pa elegante kung manamit." aniya na pupungas pungas na binabalik tanaw ang nangyaring pagtitipon kagabi.

Ang pamilya Aragon ang isa sa mga Prominenteng pamilya sa Pilipinas. May Negosyo sila sa ibat obang parte ng mundo. Bagamat mayaman ay ni hindi nila nakitaan sa pagiging matapobre ang pamilya. Si Don Martin ang padre de pamilya na siyang tinaguriang Mabagsik ngunit ma prinsipyong negosyante. A man with an iron hand but a generous giver. Si Donya Sherin A beauty to behold. Mahinhin , mapagkawang gawa at mapagmahal na ina. Si Martin Carlos Aragon Jr. ang Nag iisang anak . Guwapo .Matalino .maganda ang pangangatawan . Bagamat mayaman ay hindi mayabang . May isang kapintasan lang ang lalaking ito . Iyon ay ang pag ka snob at distant ito . Di basta bastang nagtitiwala. Ngunit madaming babaeng nahuhumaling dito. Thats His Charm .

Basta ako makita ko lang ang batang Aragon ay masaya na ako. Maswerte ka nga at araw araw mo siyang nakikita. Hindi lingid sa kanilang dalawa ang pagtatangi niya at ni Loren sa batang Aragon.

"Hoy Loren 14 yrs old palang tayu dapat ay hindi iyan ang inaatupag natin. Basta ako gusto ko gumaya sa Ate ko gusto kong magkolehiyo sa Maynila. Tutuparin namin ang pangarap namin 6 na taon ng nakakalipas.

eh di wow!!! alam ko namang type mo din yun eh diba ..basta ako kung di mn Aragon ang makakatuluyan 3 M nlng . Matandang Mayaman Madaling Mamatay !!!!!!anito sa nakakalokong tawa.

Ewan ko sa iyo basta . Isip muna bago ang Puso. Gaya ng sinasabi ni Ate Marcia.

Pauwi na si Martina buhat sa eskwela ng makita niya ang Grupo ni Martin Aragon Jr. sa malaking hardin .Ilag siya dito . Dahil noong naka engkwentro niya ito noong 8 na anyos palang siya. sa kakatakbo nia para magtago nasagi niya lang ang balikat nito ay nagalit na ito . at sinabihan ba naman siyang" wag kang pakalat kalat batang yaget hindi ito lansangan". anito sa nakakainsultong tinig.

Patay malisya siyang naglakad hindi na sana niya papansinin ang mga nag iingay na binata nung pinansin siya ng ka grupo ni Martin ." Boy!!! ipag timpla mo naman kami ng juice please. Utos sa kanya ng isa sa mga kaibigan nito .

Tres Marias: Martina Donde viven las historias. Descúbrelo ahora