Chapter Forty Four

515 17 2
                                    

Chapter Forty Four

 

Nasa bar ngayon ang mag barkada. Himala nga at kumpleto sila ngayon which is very rare kasi busy sa trabaho ang mga matatanda at busy sa pag-aaral ang mga bata since malapit na ang finals for second semester and yes, meaning niyan ay malapit na ang summer. Wag niyo nang tanungin kung anong nangyari nung December at January dahil sasabihin ko naman sa inyo. Haha wag atat, please.

So December? Nag kita nga sina Yuan sa Carinderia. Galit pa rin si Luke kay GD dahil nga sa nangyari habang si Zion eh panay ang mukmok dahil nga parang alam niya na kung saan niya narining ang pangalan na “Marie.” Kinalimutan na nina Xavier, Miggy at Yori ang nagawa ni Andrew. Hindi na nila ito kinulit pa. si Timothy naman ay umalis ng bansa after nung pag wa-wild niya sa bar. At dahil sa kagaguhan niya, hindi sila nag kita ni Ayanna. Si Luke naman ay hindi pa rin alam ang nangyari dahil palagi niyang kasama si Chabella. Si Yuan? Well, hindi siya sinagot ni Cassandra at nasa mental hospital ito ngayon.

De joke lang.

Sa kasamaang palad, sinagot ni Cassandra si Yuan. Walang nakakakilig doon dahil pinilit ni Yuan si Cass. Pagod na daw ito sa kahihintay kaya ayan, pinilit niya nalang ito.

Si Xavier, english parin ng english. Maliban doon, phone pal parin niya si Kezeiah na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kilala. Si GD naman ay balik playboy ang role niya sa storyang ito. This time, I am not joking na. wala na siyang nagawa dahil umalis si Winona papuntang US para ipagpatuloy ang therapy for her to remember everything. Si Yori, well, Yori is Yori. walang nag bago.

January? New Year? Sabay sabay itong nag celebrate ng bagong taon. Hindi na sumama si Cassandra dahil nga sa hindi pa alam ng barkada ang tungkol sa relasyon nila ni Yuan.

Hayys,

So ok na?

So ayan nga, nasa bar silang lahat ngayon. Celebration sa pag dating ni Timothy..

Pag pasok palang nila sa bar ay ang malakas na tunog mismo ang sumalubong sa kanila. Mga babaeng hindi matanggal ang mga tingin sa kanilang lahat. Mga babaeng tumutulo na ang laway. Mga babaeng may “Syet-I-want-you” look.

Hindi nila ito pinansin at agad na umupo sa kanilang usual place since may-ari nga sila ng bar. Malapit ito sa dance floor pero medyo tago. Pagka-upo ni Zion, agad niyang tinawag ang isang waiter. May sinabi ito sa kanya at agad na umalis.

The Bachelors' LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon