LastSection 2 (EDITED)

48.8K 1K 87
                                    

Katrina's P.O.V

Naglalakad kami papunta sa field. Kasama ko ang ibang kaklase namin na katulad ko ay mga wala sa sarili at may iniisip. Nakakalungkot at nakakapanghina lang na may ganitong mga pangyayari. Sa unang pasukan ay may ganitong hindi inaasahan na magaganap? Ano kaya ang kasalanan ni Lloyd at bakit ginawa yun sa kanya? Hindi man lang naawa.

Nakita ko ang isa sa kaklase kong si Joy na tumatakbo palapit sa amin. Nagmamadali ito at parang may gusto sa aming sabihin hanggang sa makalapit na ito sa amin.

"Si-si Teacher Tara, pa-patay na daw." Hinihingal at uutal-utal niyang sabi.

"Huh!?"

"Paki ulit nga. Hindi namin masyadong nadinig."

"Huminga ka muna Joy bago magsalita." Sabi ni Angel na sinunod naman ni Joy at agad humiga ng malalim.

"Patay na si Teacher Tara." Paguulit ni Joy sa sinabi n'ya at kinagulat naming lahat.

Patay na si Teacher Tara? Paano? Parang kanina lang nagtuturo pa siya sa amin. Nakikita pa namin at buhay pa siya. At kanina lang ay si Lloyd ang pinatay at ngayon ay may malalaman agad kami na patay si Teacher Tara? Nag simulang magbulungan ang mga kaklase ko.

"Bakit kaya may nangyayaring patayan? Nakakapagtaka?"

"Oo nga, unang pasukan palang ganito na ganito na agad ang nangyayari sa atin. Nakakakilabot masyado."

"Patay na si Teacher Tara? Kani-kanina lang kasama pa natin siya. Ano bang nangyayari?"

Unang pasukan palang ay may mga kakaiba na nangyayari. Parang may misteryo sa likod nito na hindi namin malaman. Isang sikreto kung bakit ito nagaganap. Si Lloyd, si Teacher Tara. Bakit sila pinatay? Bakit may nangyayaring ganito?

"Nasan si Teacher Tara Joy?" Tanong ni Louie.

"Sundan n'yo ko." Tugon ni Joy na agad lumakad ng mabilis tsaka tumakbo na sinundan naman agad namin.

Tumakbo kami habang nakasunod kay Joy. Takbo lang kami ng takbo nang nakikita na namin na may nagtitipon at nagkakagulo na tao. Mas binilisan pa namin ang aming takbo para makalapit. May mga nagbubulungan sa paligid at nakikiusisero. Pinasok namin ang room n'ya at nang makapasok kami ay nakita ko si Teacher Tara na duguan at walang buhay na nakahiga sa sahig. Napatakip ako sa bibig ko sa nakikita ko. May nakasaksak na kutsilyo sa ulohan nito.

Kanina si Lloyd ang pinatay ngayon naman ay si Teacher Tara. Napaka misteryo talaga ng pangyayari ngayon at ang sinasabi ng utak ko ay 'Kailangan ko malutas ito' Pero paano? Bago lang ako dito, wala akong alam sa mga nangyayari.

Lumabas na kami lahat ng kaklase ko at baka maya-maya ay dumating na ang pulisya. Nalungkot at naiiyak na ang mga kaklase ko matapos namin makalabas.

Ano ba ito? Bakit ba talaga 'to nangyayari sa amin? Bakit may ganitong nangyayari? Naiiyak nadin ako, masyadong nakakapanghina ang mga nakikita at nalalaman ko. Ang sakit sa ulo isipin na sa unang araw ay may mangyayaring karumaldumal na ganito. Ang Iniisip ko kasi na magiging masaya at exciting ang unang pasukan ko pero kabaliktaran pala ito ng iniisip kong mangyayari. Naging nakakakilabot at nakakapanghina.

"Bumalik na tayo sa field." Malamig na sabi ni Louie sa amin.

Pinahid ko ang mga luhang tumulo at inayos ang sarili. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa field nang tahimik at walang nagsasalita.

"Fuck! Ano bang nangyayari!? Bakit nagkakaganito!? May alam ka ba talaga dito Ann?" Sabi ni Andrei na bumasag sa katahimikan at binalingan si Ann na kanina pa tahimik at may iniisip.

"Wala akong alam." Sagot ni Ann sa mahinang boses.

"Owws, baka Ikaw ang pumatay sa kanila dahil binabalaan mo si Kristine kanina?" Sabi ni Stella sa maarteng boses.

"Oo nga! Baka ikaw nga!" Sabi naman ni Nikka.

"Huwag nga kayong manumbat! Wala kayong alam at ebidensya para sumbatan siya ng walang katotohanan." Pagtatanggol ni Daniel kay Ann dahil best friend n'ya ito.

"Oh, edi sino? 'wag mo siya ipagtanggol Daniel. Kanina binalaan n'ya si Kristine, paanong hindi namin siya pagiisipan ng masama?" Sabi ni Jen na may halong pagtataray at pagsusungit.

"Oh just shut up!" Sigaw ni Louie na nagpatigil sa lahat "Stop talking nonsense and let's just go back to the field." Maotoridad na sabi nito.

Natigil na ang paguusap at nagsimula muling maglakad pabalik sa field ng tahimik. Wala ako sa sarili habang naglalakad. Naguguluhan parin ako. Punong puno ng tanong ang isip ko na parang maya't maya ay mababaliw na ako. Iniisip ko ang mga pagpatay kila Lloyd at Teacher Tara at kung may kinalaman ba ang mga 'Lucky numbers' na binunot namin kanina sa fish bowl? Hayy. Napakabilis ng pangyayari.

Ann's P.O.V

Nakaupo ako sa field habang Iniisip ko parin ang nangyari kanina kung bakit binalaan ko si Kristine at nangyayari ito.

Lunch at nandito ako sa room para buksan ang locker ko. Ang locker dito ay nasa room at nasa likod.

Binuksan ko ang locker gamit ang susi ko at nang bumukas ito ay may nakita akong papel na itim. Kinabahan ako ng makita ito. Nagsisimulang sakupin ng takot ang sistema ko. Kinuha ko ito at tiningnan. Naka fold siya at may paunang sulat ito sa naka fold na unahan.

'For you, Ann'

Pulang matingkad na tinta ang pinansulat, may patak ng dugo na maliliit ang itim na papel.

Mas lalo akong kinakabahan. Dugo, Para sa akin, Itim na papel. Sobra ang bilis ng tibok ng puso ko habang hawak ang papel. Nanginginig ang mga daliri ko nang unti-unti kong binubuksan ang itim na papel, at nang mabuksan ko ito ay ang nakalagay ay...

'WARNING!!!

THE BLOODY DEATH IS ABOUT TO BEGIN. THOSE LUCKY NUMBERS WILL SERVE AS YOUR DEATH, GOOD LUCK...

COUNT ONE, TWO, THREE AND YOU WILL SEE. :)'

'Count One, Two, Three and you will see' Mag-bilang? at may makikita ka?

"O-o-one, t-two three." Mahina kong bilang na uutal utal nang may marinig akong pag hiyaw na galing sa loob ng classroom.

Nabitawan ko ang papel na mabilis ko din namang dinampot at pinasok sa locker at sinarado. Bigla akong nakarinig ng naghihiyawan at nagkakagulo. Lumapit ako para alamin at nang makalapit ako ay nakita ko si Lloyd. Dilat ang mata na nakabigti sa labas ng bintana at walang buhay at puro sugat.

Kaya ko binalaan kanina si Kristine na mag-ingat dahilparang ang kaninang mga numerong nabunot namin ay magiging batayan kung pangilan kaming mamatay. Dahil ang nasa sulat ay 'Those lucky numbers willserves ay your death' At pila pila kaming mamamatay.

Last Section (Exclusive under Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon