Chapter 9: Sorry

23 5 1
                                    

ARTHIT POV

Walang tigil ang pag iyak ko sa loob ng cr, mga kalahating oras na ako naiyak at di ako nalabas, kanina pa rin katok nang katok si Kongpope at paulit ulit na nag so-sorry.

Di kase ako sanay nang sinisigawan ako. Parang kase sobrang sama kong tao.

"P' buksan mo na to parang awa mo na, sorry sorry" sabi nya ulit habang katok nang katok, kahit gusto ko sya pagbuksan at mag explain sya, may something na parang baka maulit ulit nya yung gagawin nya saken.

Di nalang ako nagrereply baka kase mas lalo pang lumala ang pangyayari if, umimik pa ako.

Mga 5 minuto na ang nakaklipas ng lumabas ako nang cr, naabutan ko naman dun si Kongpope na nakasanadal lang sa tabing pader nang pintuan habang sinasabunutan ang sarili at nakapikit nang mariin.

Mukha syang nabigla nang makita nya ang mukha ko, baka dahil narin sa pugto ang mga ito.

"P' sorry please wag kang umalis, Sorry, sorry di ko sinasadya" Sabi nya nang bigla nya akong yakaping ng mahigpit, sabay baon ng ulo nya sa aking leeg.

He's Crying

Pero alam ko sa sarili ko na mali ang ginawa nya, imbes na sumbatan ko sya kumalas na lang ako sa pagkakayap at pumunta sa kama at tumulog na lang bigla.



KONGPOPE POV

Di ko inaakala na magagawa ko yun kay P'Arthit.

Expect the unexpected ika nga.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng makita ko syang natakot sakin.

At isa yun sa mga kinakatakutan ko.

Natatakot ako na baka isang araw di ko mapiligan ang sarili ko, na baka may magawa akong di maganda sa kanya.

Natatakot ako na, makita syang umiyak ng dahil sa isang kagaya ko.

Natatakot ako na masaktan ko sya, at iwanan na nya ako.

Habang nakatayo ako dito sa gilid ng pintuan ng Cr at iniintay sya na lumabas.

May pumasok bigla sa isip ko.

Takot na sya sakin.

Di ko namalayan na nakalabas na sya, kaya sali dali akong yumakap sa kanya at humingi ng sorry ng paulit ulit. Di ko narin napigilan ang sarili ko at napaiyak na ko dahil sa nagawa kong kasalanan sa kanya.

I hurt him.

Pero mas lalo akong nabigla na instead na ibalik nya ang yakap ko ay inalis nya ito at dumiretso sa kama nya.

Great.

Just Great.

Wala kang kwentang boyfriend Kongpope.

Dahan dahan nalang ako umalis na kanyang apartment at saka dumiretso sa sarili kong apartment.

Ayoko nang gunawa ng mga galaw na makakasakit sa kanya.

Kinabukasan nagising ako bigla dahil sa lakas ng ingay sa labas.

It looks like na may bagong lilipat sa katapat na kwarto ko ah.

Halata din naman na tanghali na, kaya lumabas nalang ako tsaka nag hanap ng makakainan dahil wala talaga akong ganang kumain matapos kong mapaiyak si P'Arthit.

Alam ko sa sarili ko na di ko sinasadya yun, pero di ko rin alam ang dahilan kung bakit ko nagawa yun sa kanya. Gusto ko syang makitang masaya palagi, yung tumatawa hindi yung ganto.

--------

Hapon na at nasa tapat ako ngayong ng kompanya ni P'Arthit habang dala dala ko ang isang Pink Milk na paborito nya, di naman to pang suhol dahil sa kasalanan ko, dinala ko to dahil alam kong di pa sya ulit nakakatikim nito, dahil wala na sa kanilang company ng mga gantong drinks.

Maya-maya lang nakita ko na rin si P'Arthit na nakalabas kompanya habang nagiisa at malungkot ang mukha.

Para naman akong tinutusok ng karayom sa nakikita ko, sobra akong nag sisisi sa nagawa ko.

"P'! Kamusta araw mo?" pinilit kong maging masaya para naman kahit papaano maging masaya ang mood nya.

Pero tiningnan nya lang ako at sinabi na-

"K-Kumain ako n-ngayong l-lunch" sabi nya habang di nakatingin sakin.

Di ako makagalaw, di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

Di sya makaimik ng maayos

Takot sya sakin

Ang tanga tanga ko

Niyakap ko nalang sya ng mahigpit, to make him feel that di na ako galit and for him to know that he is safe wirh me no matter what.

"Sorry P' I'm really sorry, please don't hate me okay? Promise di ko na gagawin yun kahit kailan di na kita papaiyakin, pangako, kaya please don't hate me okay? I love you so much" sabi ko sa kanya habang nakayakap at umiiyak sa leeg nya.

"I don't hate you, but I hate what you did. Alam kong nagkamali din ako sa parte ko pero sana intindihin mo rin ang kalagayan ko, I'm sorry din kung naging makasarili ako sa mga kilos ko sayo" sabi nya sakin kaya napaiyak nalang lalo ako

Do I really deserved this kind of person? He's so kind to me, caring, loving, all you could dver ask for!

And here I am making him cry, just because of a small fucking mistake.

"Tama na yakap, akin na yang Pink Milk, para kang bata" sabi nya sakin habang tinutulak ako, I just laugh and kiss him immediately in the lips saka sumakay sa motor.

"P'Arthit, gusto mo bang pumunta tayo ulet sa University natin dati?" sabi ko sa kanya habang paakyat sya sa motor ko.

"Sure! It's been a year, since huli akong pumnta sa school na yon, kaka miss ang memories"

"Memories?" sabi ko sa kanya.

"Oo, dun tayo unanag nagkakilala, dun din kita unang nagustuhan, lahat ng first ko andun" sabi nya na parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi nya.

Pero sakin? Halos kiligin ako dito dahil putangina bakit hindi? AHHHH

"Ako pala lahat ng first mo ha" sabi ko sa kanya habang nasa byahe na kami.

"Oo ha" sabi nya nalang saka uminom ulet ng Pink Milk, mabagal lang takbo ko since alam kong ayaw nya ng mabilis na takbo.

"So ako rin ang magiging first sex mo no?" tanong ko out of nowhere

"Of course Yes! Este No!-- Yes! Ahh! Mag drive ka na nga lang!" sabi nya sakin sabay kurit sa tagiliran ko.

Napatawa nalang ako.

It seems like we are back to normal again.











The Moon's SunWo Geschichten leben. Entdecke jetzt