11 days

292 8 0
                                    

Lea's POV.






*May isang pamilyar na babae na naglalakad sa gitna ng madilim na eskenita.



Nakatingin ito sakin habang sinasabi ang salitang "Patawad hindi kita sinunod"




Pagkatapos noon ay may lumapit sa kaniya na isang babaeng mas matanda sa kanya, tiyak kong ate nya ito habang naglalakad sila sa gitna ng madilim na daan, may isang nakaitim na lalaking maskulado ang lumapit sa kanila.





Napatakip ako ng bibig ng balbalin sa ulo ng lalaking nakaitim ang dalawang babae.




Pinikit ko ang mga mata ko habang umiiyak. Nagtago ako sa ilalim ng isang malaking puno.





Narinig ko na may sumisigaw ng mga katagang "Tulong" ngunit hindi ko naman matunton kung nasan mismo ito.





Pagkatapos, dumanak ang dugo sa harap napaatras ako dahil tiyak ko na ang dugo ay nanggaling sa dalawang babae. Kasabay ng paglayo ko ang paglaho ng dalawang babae at ng lalaking nakaitim.*




Napabangon ako dahil sa panaginip or should I say bangungot na iyon. Umupo ako sa gilid ng kama at kama at tinititigan ang nanginginig kong mga kamay




Nakatingin lang ako sa kamay ko na basang basa dahil sa luha. Tiyak kong totoo ang napaniginipan ko.




Tumayo ako at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig.




Napagawi naman ang tingin ko sa orasan. 3:08 am palang pala. Nagdiretso na ako sa Ref at kinuha ang isang pitsel na may laman na malamig na tubig at ang isang baso.




Bumalik ako sa aking kwarto nang sinisigurado na walang nagagawang anumang ingay dahil baka magising ang mga kapatid ko.



Ipinikit kong muli ang aking mata sapagkat batid kong nakulangan din ang katawan ko sa tulog. 12 am something kasi ako umuwi.





-6:00 am-




Nagising ako dahil naramdaman kong may nanggulo sakin.





Pagka mulat ko ng mga mata ko ay bumungad sakin si Kuya Lourd.




"Lea Basahin mo." malungkot nyang tugon habang nagiiwas ng tingin sa akin.





'2 women are found dead at the road this 12:00 am, some people believe that these two were raped'




"Shit" napamura ako ng mabasa ang nakalagay sa selpon ni Kuya.





*mga letrato ng isang babaeng sobrang pamilyar sa akin at ang kanyang nakatatandang kapatid*




Napanganga ako sa nakita't nabasa ko. No. Hindi pwede.





Cassie's POV




No! Wala na sya. Wala na ang Bestfriend ko. Hinagis ko ang cell phone ko sa galit.




Wala na si Rea.
--------------------



Trav's POV



I walked inside her room to check her, and again she's drowning in tears.




I hate it when she cries. Hawak hawak nya ang picture ang tatlong taong pinaniniwalaan kong si Angel, Jay at si Rea.




Humarap sya sa akin at tinago ang mga hawak nya.





Killer, KillerWhere stories live. Discover now