Chapter 3

1.9K 107 4
                                    

Bored na hinitit ni Aquer ang papaubos na sigarilyo na nakaipit sa pagitan ng dalawang daliri niya habang nakaupo sa gilid ng mataas na gusalin. Mula sa ibaba tahimik niyang inaabangan ang isang lalaki na kahina-hinala ang kilos habang nakukubli sa dilim sa pagitan ng gusali at ng katabing gusali.

Hinihintay lang niya kumilos ang lalaki bago niya itong turuan ng leksyon. Malalang leksyon nga lang.

To kill him and suck him hanggang sa maubos niya ang dugo sa mga ugat nito.

Tinapon niya ang upos ng sigarilyo ng makitang may nabiktima na ang lalaki na kanina pa niyang minamatyagan.

Ang mga taong walang ginawa kundi gumawa ng kasamaan sa kapwa nila. Mga walang silbi!

Well,may silbi naman sa isang katulad niya na nangangailangan ng dugo na pupunan sa uhaw niya.

Napailing siya ng makita kung gaano natakot ang isang lalaki sa panghohold up ng lalaking iyun. Mukhang sanay na ito sa ganun gawain. Kalmanteng-kalmante lang ito.

Gumapang ang isang ngisi sa mga labi niya. Tingnan lang niya kung hanggang saan ang lakas ng loob nito.

Walang babala na lumundag siya pababa at swabeng bumagsak ang paa niya sa semento. Agad na napalingon sa kanya ang lalaki na abala sa pagsipat sa kinuha nitong wallet.

Nginisihan niya ito. "Magkano naman ang laman?"

Nangunot ang nuo nito at agad naging alerto. "Bakit mo tinatanong? Pulis ka ba?!" sabay hugot nito sa kustilyo na nakasuksok sa tagiliran nito.

Natawa siya. For real? Buti kung sana gawa iyun sa silver baka kabahan pa siya. Ang mahina tawa niya ay naging halakhak.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?! Sino ka ba?!" angil nito sa kanya.

"Pasensya na..gutom lang ako," natatawa niyang saad.

"Siraulo ka ba?!"

Nagdilim ang mga mata niya. Hindi niya gusto ang amoy ng dugo nito pero pagtatyagaan na lang niya.

"Hindi magandang gawain ang ginagawa mo,kaibigan. Pinaghihirapan yan kitain," matiim niyang saad.

"Pakielam mo!"

Mapanganib na nginisihan niya ito. Isang iglap ay sinandig niya ito sa pader na kinaigik ng lalaki. Ang isang braso niya ay nakasakal sa leeg nito.

"P-pakawalan mo ako! H-hindi ako makahinga!"wika ng lalaki na halos hindi na makahinga sa pagkakadaiti ng braso niya sa leegan nito.

Unti-unti ng lumalabas ang pangil niya. Pati ang mga mata niya ay ngayon naging kulay itim na kinagitla ng lalaki makita ang anyo niya.

" H-halimaw!!!"hirap na sigaw nito pero halos pabulong lang yun.

Bigla na lang nawalan ng malay ang lalaki marahil sa takot. Pinagpatuloy niya ang balak na paghigop sa dugo nito. Sa ganitong sitwasyon hindi siya nakakaramdam ng awa. Wala siyang awa sa mga taong walang awa sa kapwa nila na gawan ng masama.

Akmang ibabaon na niya ang mga pangil sa leegan nito ng bigla na lamang may humablot sa kanya at malakas siyang humampas sa kabilang pader.

Gulat na napatingin siya sa may gawa niyun. Mula sa ilaw na nagmumula sa poste naliliwanagan ang isang postura ng babae.

"Hindi ka na naawa sa kanya,bloodsucker!" angil nito.

Napamaang siya ng masilayan ang mukha nito.

Isang maladiyosa ang kagandahan nito..and damn! May pangil din ito at kulay pula ang mga mata!

May iba pang katulad niya?!

The fuck?!

HALPERT TRILOGY : Aquer Halpert byCallmeAngge(INCompleted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon