Kabanata II : Paghihinagpis

4 0 0
                                    


SHAWN'S POV

Hindi ko alam ang dahilan ng pagbitiw mo. Ni hindi mo man lang nagawang ipaliwanag sa akin ang lahat. Yung sinasabi mong may mahal ka ng iba, napaka-imposible naman yata nun Selena! Limang taon ? Ibabasura mo nalang ng ganon-ganun? Nagsawa ka ba kaya ka bumitaw?Kingina! Para na kong mamamatay Selena! Sobrang sakit, hindi ko kaya!

"Shawn! Lumabas ka na nga diyan sa kwarto mo! Tama na yang pag-inom mo ng alak! Isang linggo ka ng ganyan! Ano?! Papatayin mo ba yang sarili mo? Alam mo kung masaya siyang iniwan ka niya, pwes magsimula ka na ulit. Maging masaya ka na din. Wag kang magpakalugmok diyan! Ipakita mong mali na iniwan ka niya." Diretsong pumasok sa kwarto ko si Sam.

Ang kababata ko dumating na siya , tatlong araw matapos makipaghiwalay sakin ni Selena. Umuwi siya dahil nabalitaan niya yung nangyari sakin at sa amin ni Selena. Pero wala namang nagbago kahit nandito siya. Pinipigilan niya lang ako sa mga ginagawa ko lalo na sa pag-iinom ko! Pero hindi siya ang kailangan ko. Si Selena... I want her! Only her! Gusto ko na siyang bumalik sakin. Mahal na mahal ko sya! Sya lang ang gusto ko! Sya lang ang kailangan ko wala nang iba pa. Kahit triple yung sakit na iniwan niya sa puso ko. Siya parin ang mahal ko!

Kinuha ni Sam ang hawak-hawak kong baso na may lamang alak...
"Sinabi ng itigil mo na to Shawn! She don't deserve your love! She already left you! At hindi ka na niya babalikan!!!"

*PAAAAK!*

Di ko napigilan ang sarili ko matapos magpantig ng mga tenga ko sa mga sinabi niya.
Napahawak siya sa kaniyang pisngi matapos ko siyang mapagbuhatan ng kamay.

"Wala kang karapatan na sabihin sakin yan! Di mo alam kung gaano namin kamahal ang isa't isa! Babalikan niya ko! " 

"Tama ka, wala nga akong karapatan pero nandito ako bilang kaibigan mo! Nandito ako para damayan ka! Nagmamalasakit lang naman ako sayo Shawn dahil alam kong kailangan mo ngayon ng masasandalan. Pero wala nga pala akong karapatan. Dahil sino nga lang ba ako sayo?Wala! Wala lang ako para sayo! " saka siya tumakbo palabas ng kwarto ko.

I really don't know what to do! Hindi ko alam kung paano o saan ako mag-uumpisa. Hindi ko rin alam kung tatanggapin ko na lang ba talaga na wala na siya sa buhay ko o hihintayin ko pa din siyang bumalik sa piling ko.

Nahiga ako sa kama ko. At muli ko na namang ninamnam yung ppagpatak ng mga luha ko sa king mga mata...

SELENA'S POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas..

At isang linggo na lang pala ang natitira kong araw.

Ibang-iba na ako.

Ibang-iba na yung itsura ko.

Wala na yung dating lakas ko. Halos buto't balat na nga lang rin ako eh. Wala na yung dating sinasabi nila na Selena na maganda at dyosang dyosa daw.

At yung buhok kong napakahaba noon ngayon ay halos maubos na at ilang piraso na lang ang natitira. Wala na yung dating haba at lambot nito. Yung katawan ko na halos nagagawa ko pa yung mga gusto kong gawin noon, ngayon ay hindi na.

Tinanggal ko na ang mga bagay-bagay na nakasalampak sakin. At napagdesisyunan na rin ako na sa loob ng isang linggo na natitira sa akin, hindi ako mananatili sa loob ng ospital na ito. Gusto kong masilayang muli ang ganda ng labas. Ang mga tao sa paligid at ang mga ingay na ang tagal ko ding hindi narinig mula sa labas. At masasabi ko ngayon na handa na nga talaga ako.

Handa na ko, dahil masaya na rin siya.

Handa na ko, dahil may mahal na siyang iba ngayon.

Handa na ko, dahil may iba nang mag-aalaga sa kanya.Handa na ko, dahil nagawa na niyang magpapasok ng iba sa puso niya...Handa na ko dahi..

Ikakasal na siya sa iba..
Siguro dahil sa sinabi ko kay mama na sabihin sa kanyang ikakasal na rin ako kaya tuluyan niya narin akong kinalimutan. At tinanggap niya na rin marahil hindi na rin ako babalik pa sa buhay niya.

LOVE IS SACRIFICE ( A Tragic Love Story )Where stories live. Discover now