24

142 4 5
                                    


HTTTM 3 CHAP 24

Continuation...

"Miss Maic!! Maic!" nataranta na ang buong tao sa biglaang paghimatay ni Maic pagkatapos nitong sagutin ang tumawag sa kanya.


Binuhat na nila si Maic para dalhin sa pinakamalapit na ospital at dinampot naman ni Jean ang cellphone na nabitawan ng kaibigan.


"He-helllo, Tita?"nanginginig na sagot ni Jean sa kabilang linya.


"Anong nangyari kay Maic?"nag-aalalang tanong nito.


"Dadalhin po namin ngayon si Maic sa ospital. Bigla po siyang hinimatay,"sumbong naman ni Jean habang nasa sasakyan sila.


"Ano?! Oh my God! Nasaan si Aley? Is she okay?"natatarantang tanong ng ginang.


"Tita...sorry pero, nawawala po si..."hindi na napigilan ni Jean ang humagulgol. "Sorry Tita pero may kumuha po kay Aley. Sorry po talaga..."


"Ano?! Ano ba nangyayari sa kanilang tatlo?"bigla na lang nawala sa kabilang linya ang ginang.


Naisugod na nga nila si Maic sa ospital at wala pa rin itong malay. Dumating na din ang mga kaibigan nila at mga magulang ni Maic.


"Kumalma kana rin Jean, hindi mo naman sinasadya. Ako na magsasabi kay Maic tungkol sa nangyari kay Aley. Magpahinga kana muna iha, natrauma ka rin sa nangyari,"ani ng ina ni Maic. "Mabuti pa Kaive ihatid mo muna si Jean."


Samantala sa ospital kung saan nakaconfine si No...


"Tita pinachicheck ko na po sa cctv ng school nina Aley ang nangyari aksidente. As soon may makita kaming ebidensiya at matukoy namin ang may salarin ipapaalam ko po agad sa inyo,"ani Eon.



Pagkalipas ng ilang araw...

"Ma bakit nangyayari sa amin ito? Ano po ba ang kasalanan namin ni No?"malungkot na tanong ni Maic sa ina ni No habang pinagmamasdan nito ang fiancé na walang malay.

"Magpakatatag ka lang Maic. Makikita rin natin si Aley at magkakamalay din si No,"sagot naman ng ginang habang hinahaplos si Maic sa balikat saka umupo sa mini-sofa.


"Hindi ko po alam Ma. Hind ko po alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya,"hindi na nga napigilan ni Maic ang maiyak.


Samantala sa parking lot ng ospital...


"Sino kaya ang may gawa nun kay No? Hanggang ngayon wala pa ring balita galing kay Eon,"kwento ni Hannah habang pababa ito ng kotse ni Gretz.


"Si Jean nga natrauma na rin sa nangyari. Nagbakasyon na muna siya,"dugtong naman ni Gretz habang naglalakad sila papasok ng ospital.


"Kuya sumama rin ba si Kaive sa kina Mashi at Jean?"nagkatinginan si Hannah at Gretz sa kanilang nadinig.


"Kilala niyo sila? Close kayo nina Kaive?"hindi na nga napigilan ni Hannah ang sarili kaya nilingon nito ang dalawang nag-uusap sa lounge ng ospital.


"Hindi ko ata narinig namention nila na magkakilala kayo,"singit naman ni Gretz kaya napalingon na rin sa kanila ang dalawang nag-uusap.


Samantala sa bahay naman nina No kung saan nag-uusap si Woo at si Axel sa sala.


"Sino kaya ang may gawa nito? We can't consider this as an accident Woo,"ani Axel. "There's must be a person behind this,"dugtong pa nito.


"Sino naman kaya iyon? Si Zannah wala na..."sagot naman ni Woo.


"Pero si Hannah andiyan pa. Hindi sa hinuhusgahan ko si Hannah pero the possibilities that she did it once," kumento naman ni Axel kaya napaisip si Woo sa sinabi nito.


Sa restaurant naman ni Ikian...


"So magkilala pala talaga sina Lai at Kaive? What a small world. Bilog nga ang mundo,"sabi ni Hansel habang nag-uusap sila sa opisina ni Ikian.


"Ang tanong ko bakit awkward sila kung mag-usap at mukhang in denial naman,"kumento naman ni Gretz.


"Alam naman natin kung gaano kasama ang ugali ni Lai,"singit naman ni Ikian at umagree naman ang dalawang dilag ng tumango sila.


"But there's something with her words. You didn't notice it?"usisa ni Hannah kaya napaisip naman sila.


Sa ospital...

Kasama naman ngayon ni Maic na nagbabantay si Gretz. Tumungo na agad si Gretz sa ospital pagkatapos nilang mag-usap sa resto ni Ikian. Kasalukuyang nagkwekwentuhan naman sila ni Maic sa lounge ng silid ni No.


"Parang mababaliw na ako kakaisip Gretz kung sino ang dumukot kay Aley. Sino naman kaya ang sumasaksak sa amin ni No?"tanong ni Maic.


"Shhh... kumalma ka lang Maic. Makikita't makikita rin natin si Aley at gigising din si No,"papanatag naman ni Gretz sa kaibigan.


"Kailan Gretz? Kapag sira na ang pag-iisip ko? Kapag may nangyari nang masama sa anak namin? Kapag lumalala ang kalagayan ni No?"hindi na napigilan ni Maic ang kanyang emosyon at napaiyak na ito.


Hindi na rin napigilan ni Gretz na maiyak sa sitwasyon ng kaibigan. Niyakap niya ito at pinatatahan. Nawawala anak nito at hanggang ngayon wala pa ring malay si No. Paano nga naman makakayanan iyon ni Maic? Gayong dalawang mahalagang tao sa buhay niya ang nangangailangan ng tulong.


"Ahmmm...alam mo ba Maic na magkakilala pala sina Jean at Lai?"tanong ni Gretz.


"Oo, pero hindi naman sila close. Bakit mo naman natanong?"tanong naman ni Maic habang nagpupunas ng luha.


"Nadinig kasi namin kanina na pinag-uusapan nina Lai at ng kuya niya sina Jean at Kaive,"sagot naman ni Gretz.


"Tungkol saan?"tanong ni Maic.


"Sa pag-alis ng dalawa,"sagot ni Gretz.



CHIAKI NOTE

JUST A SHORT UPDATE BAWI AKO NEXT TIME, PROMISE...

LOVE YOU ALL AND THANKS ALOOOTT

HTTM BOOK 3 (MY MAARTENG PARENTS+ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon