Chapter One:Deal

30 11 0
                                    

Chapter One

"Ma,  gising ma! Hindi ko pa kaya! Ma. . . Gising na. . Sabi mo diba walang iwanan? Hanggang dulo?, " sabi ko habang umaagos ang luha at niyayakap ang malamig nyang bangkay "Mag sasasabit kapa ng mga medalya ka diba? Ma! Gising na!  . . "

"Miss. . Kailangan na naming ilipat sa morgue ang bangkay ng nanay mo. . ." sabi ng isang nurse habang hinihila ako papalayo kay mama para mailipat nila sa kabilang hospital bed.

"Hindi!  Hindi patay ang mama ko!,  " sabi ko at pilit kumakawala sa mahigpit na hawak nang dalawang nurse sa likod ko.

"Nakakasawa kang tingnan alam mo ba 'yon? ," kalmadong sabi ng isang lalaki sa likod ko. Mahaba ang buhok, may Matatalas na espada, at nadamit na parang mga Sundalo sa mga K-drama na napapanood ko "Nakakasuka.." dagdag pa nya

"Si . . si. . . no ka. . .b..ba?," Nauutal kong tanong habang pinapakalma ang sarili.

"Dyther,"  maikling sagot nya. Napansin ko namang kami lang ang gumagalaw dito sa paligid at ang lahat ng tao ay tila naestatwa.

"Bakit hindi sila gumagalaw?, " deretsong tanong ko habang pa linga-linga pa sa paligid

"Basta, humiling ka na lang kahit ano. . .at oagkatapos non akin kana. . ."sabi nya at ano daw?. . . humiling ng kahit ano? Tapos ako kapalit? Baliw ba sya? O baka naman Gennie?

"Bakit? Gennie kaba? Ba't wala kang kaldero?" Tanong ko na cucurious ako talaga ako e.

"Isang beses ko lang 'to uukitin ha. . Im dyther,a knight of Valeirans and Last Emperor of Inferno," sagot nya sa tanong ko habang nakasandal sa pader. . . Tss. . Maysaltik talaga 'to anong Valeirans? Anong Inferno? Gag*!

"Sige. . Gusto kong mabuhay ang nanay ko. " sabay ko sa trip ng isang to. Mukha kasing nasisiraan na 'to ng isip

"Okay. . . She's alive," sabi ni dyther, sasagot pa sana ako ng biglang tumunog yung makina sa likod ko sign na buhay na si mama. . .

Agad namang dumating ang mga Doktor at iba pang nurse para icheck si mama at isa daw iyong himala. . . Maayos na daw ang kalagayan ni mama. . . Agad akong naglasalamat kay dyther na tumulong sa akin na ngayon ay nasa likod ko na binabantayan ako na baka tumakas ako sa  kasunduan namin.

"Ma, akala ko iiwan mo na ako . ." Bulomg ko habang humahakbang palapit sa kanya pero ang ikinagulat ko ay bangain ako ng isang nurse pero tumagos lang sya sa akin.

"Anong ibig sabihin nito?," tanong ko sabay harap dun kay dyther na may pagtataka.

"Namatay ang mama mo at gusto mong mabuhay sya kaya ipinasa ko ang buhay mo sa kanya. . . At ngayon, ikaw na ang patay," pagpapaliwanag nya na umiiling- iling pa

"Paano kung hanapin nya ako?," tanong ko habang tuloy-tuloy ang agos ng masaganang luha.

"Hindi mangyayari 'yon. . ." bulong nya pero sapat na para marinig ko

"Paano?," naguguluhang tanong ko at humakbang papalapit sa kanya.

"Dahil lahat ng ala-ala mo ay nabura na. . ,"  pagpapatuloy nya sa sinabi nya kanina. . . Pero siguro mas maganda nga 'yon para hindi na mangulila si mama sa akin "and from now on, You will be Ira Estevan. . ." Dagdag pa nya at humakbang na palabas

Ito na ba? Ito na ba ang parusa ko sa lahat ng kasalanan ko? Kung ito nga mabuti naman at para kahit papaano ay may nagawa akong sa tingin ko ay tama.
















Itutuloy...





ApHroDitE

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Deal with the Bad Knight (On-going)Where stories live. Discover now