036 || kai

644 21 2
                                    

Nakangiting pinagmamasdan ko ang langit habang nakaupo sa lapag ng balcony ng kwarto ko. I can feel the piercing of needles in my heart while staring at the stars. I used to stare those stars with him.

Napatigil ako sa pagd-drama ng makarinig ng marahang katok mula sa labas ng aking kwarto kasunod ng pagsabi ni Kun ng pangalan ko.

"Kaekai, 'cess, may naghahanap sayo sa baba."

Naiiritang tumayo ako at nakasimangot na binuksa ang pinto.

"Sino naman yon?" Natatawang pinitik niya ang noo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Masakit kaya!

"Babain mo kaya para malaman mo kung sino. Bili na bago magwala yon don." Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Sinong siraulo ang magwawala habang bumibisita?

Madiin ang mga hakbang ko sa hagdan pero hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng makita ko si Renjun na nakaupo sa sofa at nakayuko ang ulo. Ang pinagtataka ko lang ay rinig ko ang mga hagulgol niya at kita ko rin ang paggalaw ng mga balikat niya.

Nanlaki ang mata ko at bahagyang unawang ang labi ko. Bakit siya umiiyak? Nagmamadali akong bumaba at nilapitan siya.

"Uy, Renjun!" Napaangat ang ulo niya kaya nakita ko ang luhaan niyang mata.

"K-kai... Kai sorry..." Nanginginig ang boses niya at nanghihinang napahawak siya sa ulo niya. Marahas niyang ginulo ang buhok niya.

"Bakit naman? At saka bakit ka umiiyak?" Tumabi ako sa kanya at hinagod ang likuran niya.

"Pa-patawarin mo sana a-ako. H-hindi ko sinasadya, Kai. Hindi k-ko sinasadyang m-makalimutan ka. H-hindi. Sorry, Kai. S-sorry talaga."

Napatulala ako sa sinabi niya. Kumabog ng malakas yung puso ko at nagsimulang magtubig ang gilid ng mga mata ko. My heart started to clenched hard as my tears fell down rapidly. My breathing hitched when he pulled me to a hug.

"S-sorry, Kai. Sorry. Patawarin mo ko. All this time, nasasaktan na pala kita pero wala man lang akong  kamalay malay. Sorry." Nanginig ang boses niya and it made my heart break.

Unti-unting nagdilim ang buong paligid at humahangos na napabangon ako mula sa pagkakahiga. Napaluha na lamang ako ng mapagtanto ang isang bagay.

Holy shit, was that a dream? Fudge, that was a freaking dream!

moomin | h.renjunWhere stories live. Discover now