Chapter 12: Treacherous

3.2K 73 0
                                    

Den's POV

Di ko padin feel na kausapin si Ly. Nandito kaming lahat sala ng magsibabaan yung mga dudes. San naman kaya balak pumunta ng mga 'to. -____-"

Di mo nga sya pinapansin tas ngayon magtataka ka kung bat sya aalis. Ano ba talagang gusto mo Dennise?

Ugh! Pinilit kong tumutok sa panunuod ng tv kahit si Fille parang imbestigador kung manintriga. Ramdam kong nakatingin sya sakin pero pinipilit kong manuod. Kahit gusto ko din makigulo sa pagtatanong pinili ko nalang manahimik. Bat ko gagawin yun kung wala lang naman ako kay Ly dba? Bka pupuntahan nila si Bang.

At nanalo nga ang mga dudes dahil pinayagan sila ni Capt. Kahit ako nagtaka kung bakit. Kaya pagkaalis nila nakatingin kaming lahat kay Capt na takang taka. Hindi kaya nilalagnat to?

"Uhm Capt. Ayos ka lang?" Tanung ni Mae.

"Oo naman. Bakit naman hindi?"

"Nakakapagtaka lang, pinayagan mo silang umalis. Dati kahit anong pilit nila di mo sila pinapaalis."

"Ngayon lang naman yun. Kesa matuto silang tumakas. Mas mahirap yon" Sabagay may point naman sya. San naman kaya pupunta yung mga yon.

Di man lang nagpaalam sakin! Wala man lang. "Den, alis na kami". Tss. bat nya gagawin yun e di nga kami okay. Ugh. Ano ba to.

Tumigil nalang ako sa pagkausap sa isip ko nung nagsalita si Ella.

"Den. Kapain mo nga si Capt. bka nilalagnat eh. Kukuha ako gamot." Katabi ko kasi sya sa sofa, akmang tatayo na ko pero pinaupo ulit ako ni Dzi.

"Oa nyo. Ayaw nyo ba nito? Bonding. Tayong mga girls lang."

Haaaaay. Bonding. Pero parang kulang padin. Nakakamiss sya :( Kasalanan ko naman kung bat di kami okay. Pero masakit din sakin na makita sila nung gabing yun. Akala ko ako na. Akala ko seryoso sya. Madami talagang naloloko ng akala na yan eh. Nababaliw na ko. Kanina ko pa kausap yung sarili ko -_____-"

Tanghali na ng makaalis sila. Kumuha sila ng pagkain sa kitchen at dinala sa sala. Para tuloy tuloy daw panunuod. Nasan na kaya sila? Kumain na kaya sya?

Kanina pa ko patingin tingin sa cellphone ko. Wala man lang text na "Dennise, kumain kna ba? Kumain kna." o kaya pag nalaman nyang hindi pa ko kumakain "Bat di kpa kumakain?! Kumain ka nga. Pag ikaw nagkasakit nyan kakapalipas mo eh" yung mga text nya na alam mong nagaalala sya? Yung alam mong may pake talaga sya sayo. Sarap sa pakiramdam nun :)

Ganun na sya sakin simula palang. Pero nung dumating si Bang. Pag nagtext sya ng ganun kahit may klase sya. sasabihin ko lang na. "okay" o kaya di ko na rreplyan. di ko man lang sya matanung kung kumain na din ba sya or what---

"Hoy Besh!"

"Ayy anak ng Phenom" Oh shhh. Napatakip nalang ako ng bibig at tinignan sya.

"Anak ng Phenom pala ha. Ano bang balak mo jan sa pagkain mo? Titignan mo lang hanggang maubos? Kung ayaw mo akin nalang"

"Oh. Ayan kunin mo na"

"Hahahaha! Kumain ka. Lagot ka kay Ly, sasabihin ko kanina kpa di kumain."

"Panay tingin kasi sa cellphone eh. Nakakabusog ba pagtingin jan? Patry nga" kukunin ni Fille yung cellphone ko at mabilis ko namang tinago. Makita pa nya yung ano. Hahahaha. Mahirap na.

Nung nailagay ko sa kabilang gilid ko, bigla namang kinuha ni Capt mula sa likod. At tinignan to. Waaaaaaaah!

"Wow. Ang cute ha. Hahahaha! Alam nya ba 'to?" sabi nya na may nakakapanginis na ngiti sa mukha nya. Bat ba kasi nilagay ko pa dun e. *facepalm*

All I Wanted (Alyden)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang