[01] love is a weakness // blaster silonga

50 2 0
                                    

[01] love is a weakness

blaster silonga & crystal jobli

---

Maingay, magulo at madumi. Yan ang iyong madadatnan 'pag pumasok ka ng silid. Tumatagaktak ang pawis ng mga estudyante dahil sira ang kanilang bentilador idagdag mo pa ang panahon⏤ napakainit.


"Anong oras na, wala pa ba?" Sambit ng isang lalaki habang nakaupo. Ito'y palinga-linga na tila ba'y may inaabagan sa labas.

"Wala pa, Zild."

Napatitig sa kanya si Zild. Napabuntong hininga ito sa sobrang inip na.

"Matuto 'kang maghintay, Zildjian."

"Maghintay? Anong oras na ba? Halos mag-iisang oras na tayong naghihintay dito para lang hintayin yang prof na yan!"

Tumayo ang dalawang lalaki sa harapan ni Zild.

"Kalma ka lang."

"Chill, brad! Papangit ka lalo e."

"Hoy, Blaster at Unique magsitigil nga kayong dalawa mas lalong iinit ulo nyan e."

"Sus, Badjao ang kill joy mo talaga kahit kailan!"

Maya-maya pa nagsitahimik ang mga estudyante sa loob ng silid.

"Andyan na yata si Prof Macalintal."

"Excited na ako sa mga mangyayari." Sambit ni Badjao

"Excited ka na rin ba, Blaster?" Natatawang sabi ni Unique.

"Yan? Excited? E nangangatal na nga sa takot e."

Napatingin ang tatlo kay Blaster na halos nanginginig na sa kanyang upuan.

Ang kaninang maingay at magulong silid ay nabalot ng katahimikan nang pumasok ang isang matangkad na lalaki at tagaktak ang pawis nito dahil sa kamamadali⏤ si Prof Macalintal.

"Ayan na siya." Mahinang sabi ni Badjao.

"Shet." Mura ni Blaster.

Napatingin ang tatlo sa kanya habang nagpipigil ng tawa.

"Pasensya na, Class ipinatawag pa kasi ako sa faculty kanina kaya nahuli ako ng dating."

Babati sana ang mga estudyante ngunit pinaupo niya na ang mga ito.

Naglalakbay ang paningin ng Propesor na tila ba'y may hinahanap.

"Mr. Silonga and Ms. Jobli, sa harapan."

Napatingin si Blaster sa mga kaibigan nya na hindi mapigil sa katatawa. Napagkasunduan kasi ng buong klase na magkaroon ng debate patungkol sa pag-ibig. Kung minamalas ka nga naman nakapareha ni Blaster ang ex nitong si Crystal

"Putangina." Bulong nito.


Tumayo si Blaster at tumingin sa harapan. Nagtagpo ang mga mata nila ni Crystal ngunit agad naman siyang umiwas.

IV OF SPADES // imagines & one shotsWhere stories live. Discover now