[02] kahit na // zild benitez

21 1 0
                                    


[02] kahit na

zild benitez & shanne dandan

---

legend: italic = flashbacks

bold italic = dialogue (flashbacks)

---


Malamig ang simoy ng hangin. Maririnig mo ang mga yabag ng mga batang nagsisitakbuhan sa lugar. Mapapansin din ang kanilang mga magulang na pinagsasabihan ang kanilang mga anak dahil sa ingay na dulot nito.


Dahan-dahang tumakbo ang batang babae sa isang lalaki at hinigit nito ang kanyang kamay. Napatawa na lamang ang lalaki dahil sa inasal ng bata.


"K-kuya, anong pangalan mo?" Pautal-utal na sabi nito.


"Ako si kuya Zild." Napangiti ito sa babae at pinsil ang pisngi nito.


"H-hello po, kuya Zild gusto mo sa'yo na lang 'tong lollipop ko?"


Napatingin si Zild sa hawak na lollipop ng babae⏤ Strawberry flavor ito.


Napatawa si Zild. "Bakit naman? Sa'yo na 'yan mukhang kailangan mo e."


Iniabot ng batang babae ang lollipop. "Mas kailangan nyo po ito. Malungkot po kayo e."


Nagulat ito sa sinabi ng bata. "Pano mo naman nasabi yan?"


"Base po sa mga mata nyo." Ngumiti ito at ibinigay kay Zild ang lollipop. "Sige po, baka hinahanap na ako ng mga magulang ko."


Agad na tumakbo ang bata papalayo sa kanya. At doon, napagtanto niya na hindi nagsisinungaling ang mga bata.


Napatingin sa alapaap si Zild at napatawa. "Ganoon mo talaga ako ka-miss no? Ako din e." Napaluha ito at napangiti.


Umupo ito sa damuhan at napayukom.


"Alam mo, mahal na mahal pa rin kita." Sabi nito sa kanyang isipan.


Mahal na mahal pa rin kita... kahit na nung una ayaw mo sa akin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IV OF SPADES // imagines & one shotsWhere stories live. Discover now