Twenty Two

787 26 0
                                    

Maaga kaming nagising ni Precious kinabukasan, naunang naligo si Precious habang ako naman ay nilalaro ang aming anak na hawak ang rattle at inuuga-uga saka ngingiti. Hawig na hawig ko nga ang batang 'to at hindi na ako magtataka kung tulad ko ay lalaking habulin ng mga babae ang anak ko. Lahi din kasi ng mga Dela Cruz iyon.

Napakatagal maligo ni Precious at umabot iyon ng halos kuwarenta minutos. Nang lumabas siya ay nagpapatuyo na lamang siya ng buhok at nakabihis na rin ng isang simpleng t-shirt at jeans. Kahit na gano'n lamang ang ayos niya ay talagang napakagandang titigan.

Siya yung tinatawag na "simple but elegant". Sa suot niyang simpleng t-shirt ay nagawa nitong akitin ang tulad ko. Sabagay, kahit anong damit naman sa kaniya ay babagay, pero mas maganda pa rin siya kapag walang damit. Napailing ako saka tumawa.

"Anong nakakatawa? Hindi ba bagay sa'kin?" tanong niya.

"You're so beautiful, baby," wika ko at ngumiti. "Kahit naman anong isuot mo, babagay sayo."

"Bolero," saad niya saka naglagay ng kung ano-anong mga make-up sa kaniyang mukha. "Maligo ka na," dagdag niya pa.

Nagtungo na ako sa banyo at inalala ang lahat ng nangyari sa aming dalawa. Naalala ko na may gusto na siya sa'kin noon pang nobya ko si Athena. Hindi ko man lang siya nakikita noon kahit ang sabi niya ay minsan din niya akong sinusundan. Stalker ko pala ang isang 'to. At masuwerte ako na girlfriend ko na siya ngayon.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na din ako ng isang light blue button down shirt at itim na pantalon. Napatingin sa'kin si Precious.

"Oh, may kasama akong Diyos," saad niya kaya natawa ako.

"H'wag mo nga akong titigan," puna ko sa kaniya.

"H'wag mo din akong ngitian," aniya kaya lumapit ako sa kaniya't nagtanim ng halik sa kaniyang labi.

Lumipas pa ang ilang sandali ay nasa biyahe na kami papunta sa bahay nila Precious. Dumaan muna kami sa isang mall dito sa San Jose City upang doon kumain ng umagahan.

"Gusto mong mamili?" tanong ko at uminom naman siya ng tubig.

"Sige," simpleng sagot niya sa akin.

Tahimik si Kael na nakahiga sa kaniyang stroller. Mabuti na lamang at natutuon ang kaniyang atensiyon sa hawak niyang rattle. T'wing umiiyak siya'y pinasususo ko siya sa baby bottles. Naglibot kami ni Precious at bumili siya ng mga groceries, damit, sapatos, at mga gamit ni Kael. Pagkabayad ko sa mga iyon ay naglibang muna kami ni Precious sa play ground sa second floor ng mall.

Bumili ako ng maraming token saka binigyan si Precious. Nagtungo siya sa isang laro na kung saan ico-control mo ang joystick para makakuha ng price na stuff toys ngunit madulas iyon at nakakawala. Tinatawanan ko siya dahil tila inis na inis na siya habang sinusubok kunin ang hello kitty na stuff toys, lumingon ako sa mga prizes at mayroong malaking hello kitty doon.

"Baby," tawag ko at lumingon siya sa akin.

"Sa basketball lang ako," sabi ko at tumango naman siya.

Naiwan si Kael sa kaniya at ako naman ay tinahak ang daan papunta sa laro na nais ko, kailangan ko ng maraming ticket kapalit ng hello kitty na gusto ni Precious. Maraming napapalingon sa gawi ko marahil siguro ay kilala nila ako. Hindi ko maipagkakaila na maraming may gusto sa akin ngunit taken na ako at nakareserba na ang puso ko para sa mag-ina ko.

Naghulog ako ng token saka nagsimula sa laro. Mabuti na lamang at tinuruan ako ni Daddy sa ganitong laro. Sa mall din ako unang naglaro ng basketball at ipinalit ko ang mga ticket ng bola ng basketball. Tuloy-tuloy ang pagshoot ko ng bola at wala akong hindi naihuhulog, naghulog pa ako ng token saka muling nagpatuloy.

Chasing NazarethWhere stories live. Discover now