CHAPTER 2

2K 42 0
                                    



  Third person pov.

Naiinis na kumakatok ang kakambal ni solace sa Kanyang pintuan

"Ano ba Sol! Gumising kana. Malalate na ako sa school!" Galit na galit nitong pinaghahampas ang pintuan . Pero hilik na hilik pa ang kanyang kakambal sa loob habang naka takip ang mga mata nito sa desenyong spongebob na eye mask

Inis na bumaba si Ris sa hagdan papuntang kusina

"Mom! Ang tagal gumising ni Sol! Malalate na ako sa school!" Nayayamot na sumbong niya sa kanayang mommy na ngayon ay naghahanda ng mga pagkain sa mesa.. para sa kanilang umagahan.

"Okay pupuntahan ko lang kakambal mo okay?," nagpunas ito ng kamay bago pumanhik sa taas,para gisingin ang prinsesang brat na natutulog.
Kinuha nito ang spare key dahil alam niyang naglolock ito palagi ng kwarto, kasi ayaw nitong magpagising ng maaga.
-------
Sol Pov

*Paaaak*

"Ouch! what the He--"

"Sige ituloy mo, kung gusto mong matahi ko yang bibig mo"
Napatingin ng ako ng wala sa oras sa may ari ng boses na iyon

"Mom?"

"Oo aber! Ano hindi ka pa ba babangon? Abat! Baka nakakalimutan mong, first day of school nyo ngayon?" Nakapameywang nitong sabi sa akin. Nagulat naman ako

"What? Ngayon na ba? But, sobrang aga pa mommy" nakanguso kong sabi habang kumakamot ng ulo. Pinalo naman niya ako ng walis tambo ulit.

" Late na Sol! Kaya maligo kana dyan dalian mo. Alam mo naman yang kakambal mo ayaw na ayaw non na nahuhuli sa klase."

" but mom!, You know hindi ko kayang dalian ang pagliligo ko right? I need to look presentable to others, especially now. First day of school" Nakanguso kong sabi dito. Inis naman akong pinalo nito

" Wag ka ng mag inarte, basta bilisan mo dyan " huling sabi nito bago lumabas ng kwarto ko. Dali dali naman akong bumangon at hinanda ang kakailangin ko.

*Pagkatapos maligo*

Pumunta ako sa walking closet ko, at mas pinili ang presentabling damit. Dahil first day naman ngayon at espicially transferre ako , so pwede akong hindi mag uniform. By the way I'm currently Grade 7 right now.

Pumunta ako sa harap ng salamin at naglagay ng cream sa mukha, hindi ako nagpupulbo dahil ewwww pang cheap lang yun. Then naglagay ako ng lipbalm sa labi. Hindi rin ako naglalagay ng liptint dahil ayaw kung maging dry yung lips ko.
Then charaaann 

" Ang Ganda mo talaga Solace Vennieza Jimenez" Sabi ko sa kawalan.

Kinuha ko na ang Shoulder bag ko, bago lumabas ng kwarto.

"Good morning People " pambubungad ko sa kitchen. Nakita kong nakaupo na silang lahat mesa, at ako na lang ang kulang. Kiniss ko sila isa isa sa pisnge,
At ng hahalikan ko na ang kakambal ko sa kanyang pisnge ay bahagyang umiwas ito. 
Napakunot nuo ako.

"Anong problema mo?" Kunot nuo kong tanong dito. Padabog naman akong tinignan nito, at salubong na salubong ang dalawang kilay.

"You witch! Bat ang tagal tagal mo.! Hindi mo ba alam na Unang araw sa klase ngayon.? Kung sa dati mong school ay suki ka ng late. Ibahin mo sa SAN FORD bawal ang malalate dun tsk." Asar na sabi nito bago kumuha ng pagkain. Nagkibit balikat na lang ako. At sinumulan ng kumain.

--------

"Goodluck to your first day kids" binuksan ko na ang pinto ng kotse at lumabas.

"Thanks mom, dad" kiniss namin sila ni kambal bago nagpaalam. Okay were here in my new school now. Napatingin ako sa kakambal kong kausap na ang guard . Kaya patakbo akong lumapit dito.

"Ano ba! Hintayin mo ako! Baka mawala ako dito sa school nyo tsk." Kumapit ako sa braso nito at naglakad na kami. Napatingin tingin ako sa kabuoan ng kanilang school. Nadismaya ako sa nakita ko hindi kasi ito kasing gara ng dati kong school , mas malaki yun kesa dito..
Napatingin naman ako sa kakambal kung tumatawa ngayon.

"Oh? Bat ganyan mukha mo? Hahaha kasi hindi ito kasing laki at ganda ng dati mong school nuh?. Tsk brat" hindi ko na lang pinansin iyon, at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad habang hawak ko ang kamay niya. Maraming napatingin sa amin lalong lalo na sa kakambal ko. Hmmm siguro hearthrob tong kakambal ko dito.

" oh ito na room nyo. Lumabas ka na lang mamaya pag mag faflag ceremony na." Nasa harapan kami ngayon ng room ko. 'Section C-Aspire'. Napatingin ako sa kakambal ko. "What ? Hindi tayo Parehas ng room ?" Gulat kong tanong dito. Napatawa naman ito bago ginulo gulo yung buhok ko kaya inis na tinampal ko iyon.

"Wag kang mangarap Sol. Magkaiba tayo ng IQ Mas matalino ako sayo, hahaha kaya nasa special Section ako, Habang ikaw dito ka. Bagay ka dito dahil dyan sa ugali mo hahaha.." inis ko naman itong inirapan.

"So, Sinasabi mong bobo ako?" Masunget na sabi ko dito.

" hindi naman. Alam ko naman na matalino ka kaya lang ang tamad mong mag aral kaya yan napapala mo" inis ko naman siyang tinalikura at oumasok sa loob.


"Basta Hintayin na lang kita mamayang Lunch OKAY!" Sigaw nito. Hindi ko na lang iyon pinasin at naghanap na lang ng mauupuan. Nasa Pinakalikod akong umupo katabi ng bintana.



HIS SERIOUS OBSSESIONWhere stories live. Discover now