CHAPTER FIVE

552 16 0
                                    

Helle's P.O.V.

Nasa cafeteria ako kasama sina Cheska at Vanessa.

"Hala! Totoo ba na hinalikan ka ni Spade?? Grabe naman!" sambit ni Vanessa.

"Nakakaloka! Ka bes... Baka mapalitan mo na si Ellery!" sambit naman ni Cheska. Nagulat na lang ako ng may biglang matapon sa aking napakalagkit na juice.

"Oh! I'm so sorry!" sarkastikong winika ng isang babae.

"Speaking of Ellery" bulong ni Cheska. The Queen.

"Kabagobago mo natuto ka kaagad manlandi ang masama pa inuna mo pa ang King!" sambit nya. Tumayo ako.

"First of all never akong naging malandi baka ikaw!" sambit ko sa kanya. Sinampal nya ako ng napakalakas. Tangina naman wag nyang ipagmalaki sa aking reyna sya walang nagtatanong. Tapos sinampal nya muli ako.

" Aba nakakadalawa ka na aah! Ako naman!" sambit ko at sinampal ang magkabila nyang pisngi. Nakita kong nagaapoy na sya sa galit. Ambang sasampalin nya na ako ng.... May magsalita.

"You two follow me!" malamig nitong winika sa aming dalawa pero bakas ang pagkabwisit sa boses nya. Lumingon ako kay Ellery nawala sa mata nya ang matinding galit napalitan ito ng takot. Who is he??? Bakit ganun nalng sya sundin ng mga taong ito....
Who is he?! Bakit ganon na lang sya sundin ng mga estudyante? Nang makarating na kami sa aming patutunguhan pinaupos nya kami sa upuan na nasa harap ng kanyang table.

"Ellery! Bakit ka nagsisimula ng gulo? Sinisira mo lang ang pangalan mo sa harap ng mga estudyante! Gusto mo bang ipatanggal kita sa pwesto mo bilang Queen?!" sambit nya.

"Ayoko po President Ace sorry!" nakayukong sinabi ni Ellery. Gosh! Sya pala ng Presidente ng Student Council at sya rin pala ang Rank#1.

"For now on tinatanggal na kita sa pagiging sekretarya mo!" sambit nito kay Ellery sabay harap sa akin.

"At ikaw naman kay bago bago mo dito ganyan na ang asta mo sa mga taong nakatataas sayo! Dahil dyan bibigyan kita ng parusa!" sambit nya sa akin. Ano raww? Parusa?

"You will be my new secretary in Supreme Student Council! Starting tomorrow!" sambit nya.

"But..." sambit ko pero di ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.

"No buts... That is my rule you can't break it once you break I'll drive you to hell!" sambit nya at nilayasan akong shock sa pinagsasasabi nya. Ganun ba talaga kapag nasa pinakamataas na rank kailangan lagi syang nasusunod???

CROMELLO HIGH [Under Editing]Where stories live. Discover now