Chapter 10

2.1K 47 16
                                    

"Sshh.. it's all my fault. Don't cry please.. I can't forgive myself seeing you like this"

Lalo akong naiyak sa sinabi nya.

Bakit ganyan ka Rein? Ako ang may kasalanan pero inaako mo lahat? Ganito ka ba talaga?

"Sorry.. *hik* S..sorry Rein.."

"Hush.. It's okay, you did nothing"

"I did! Hindi ko alam.. sorry Rein.. sabi nila kaibigan ka nila.. napahamak ka tuloy dahil sakin! Sorry... patawarin mo ko sa nangyari"

"Don't fault yourself. Wala kang kasalanan"mahinang bulong nya.

Naramdaman ko ang paghalik nya sa buhok ko. Tumingin ako sa kanya at sinalubong nya ako ng maliit na ngiti.

"Crybaby.." natawa sya at pinunasan ang mukha ko gamit ang palad nya.

Ako naman ay mahina paring humihikbi at pinipigilan ng umiyak.

Hindi ko maiwasang maguilty.

Why are you so nice Rein? Kahit ako ang may kasalanan wala kang pakielam? Kahit dinala kita sa kapahamakan, nginingitian mo ako ng totoo at hindi ka nagagalit?

"Ang gwapo ko no? Good thing hindi ko pinagalaw yung mukha ko. Kung hindi baka hindi mo na ako tignan" pagbibiro nya dahil napansin nyang nakatitig ako sa mukha nya.

Napangiti ako bigla kaya ngumiti din sya na labas pa ang ngipin.

"You smile finally... it's so gorgeous.." sabi nya at pinisil pa ang pisngi ko.

"Nakakainis ka, bakit hindi ka manlang lumaban?"medyo inis kong sabi.

Umiling iling naman sya.

"I can't. They will hurt you or worst... rape you"saad nya.

Natahimik naman ako sa sinabi nya. He protected me to those bastards kahit na sya ang kawawa. Lalo tuloy akong nagi-guilty.

"And I can't fight them alone. I'm not superman or spiderman or whatever hero is that—I am just a handsome guy, that's all I've got"sabi nya at ngumisi sabay kumindat pa.

Nagsisimula na naman sya sa kayabangan nya. Can I consider that na okay na sya?

"You're fulling yourself again!" Sabi ko at hinampas sya sa braso.

"Ouch! Ouch! Ouch!" Napahawak sya bigla sa braso nya kaya nagulat ako.

"Sorry! Ikaw kasi bilib ka na naman sa kagwapuhan mo.. masakit ba?" Tinignan ko ang braso nya at tinignan ang pasa at sugat nya.

"Malamang masakit, kiss mo nga para gumaling please?"napatingin ako sa kanya. Nag puppy eyes pa sya sakin.

Aaminin kong ang cute nya pero hindi ako magpapauto sa kanya no!!

"Mukhang okay kana. Umiiral na naman ang kamanyakan mo"saad ko.

"Psh.. sige na Ruan.. your kiss is my medicine" kinindatan nya ako at nagpacute pa kaya hindi ko maiwasang mapailing.

"Pikit"sabi ko.

"Huh?" Medyo nagulat sya sa sinabi ko.

"Sabi ko pikit"

Medyo napaawang ang bibig nya at hindi makapaniwala sa sinabi ko pero napangiti sya at pumikit.

"Game" ngumuso sya habang hindi maitago ang excitement.

Napakagat naman ako ng labi dahil natatawa ako sa itsura nya. Grabe, napakaadik talaga ng lalaking 'to sa halik!

Nilapit ko naman ang mukha ko sa kanya. Ilang inch nalang ang pagitan namin at nararamdaman ko ang paghinga nya sa ilong. Napangiti ako kasi ang cute nya pumikit tapos nakanguso pa sya at naghihintay na halikan sya.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now