Chapter 24 Meeting

2.4K 56 1
                                    

"Bakit hindi mo ako ti-next man lang Ms. Sheena?" Nakaupo na tanong sakin ni Manager Kim habang kumakain. Kinuha ko ang cellphone ko.

___________________________
To Manager Kim:

What do you mean Manager?
___________________________

Bago ko pa ma-send yun bigla na lang natabig ni Bryan ang braso ko kaya nahulog. Nyaks!

"I'm sorry," sabi niya at kinuha ang cellphone ko. Nag-thanks na lang ako sa kanya at tumingin kay Manager Kim na nakatitig na pala sa amin ngayon. Parang sinasabi niya What-are-you-doin'-look? Nagkibit-balikat na lang ako at siya naman napataas ang kilay. Hay nako!

Tuluyan ko nang si-nend kay Manager Kim ang message ko sa kanya at agad naman niyang nabasa yun. Tumingin siya sakin at nginitian ko na lamang siya.

___________________________
From Manager Kim:

Why I didn't know about your x-boyfriend? Kelan pa siya nakabalik?
___________________________

Nag-buzz naman ang cellphone ko at nabasa ang text ni Manager kim.

___________________________
To Manager Kim:

Not now Manager, for the free time I'll talk to you please?
___________________________


Send ko at nabasa naman niya. Tinanguan niya na lang ako at nagpatuloy na sa pagkain.

"Okay, guys. We will talk about the movie I've done. We are going to study your two lines and how you to understand the script." Panimula ni Direk habang kumakain. Nakikinig lang kami ni Bryan sa kanya.

"I know Bryan that this is not your first time. I know a lot na ginanapan mo na movie dati, and about Ms. Sheena we've talk about. Aren't this is your first time right?" Agad na tumingin sakin si Direk at binaba ang kutsara'ng hawak ko.

"Yes direk, I've always study about the cat walking for the model, pero kaya ko naman po ganapan ang mga gagawin ehh, basta pag-aaralan ko lang pong mabuti. Opo, ito po yung first time to act at wala na po dito ang modeling. Gagalingan ko po." Mahabang paliwanag ko at tumango-tango na lang siya. Ngumiti naman ako at tumingin kay Bryan. Nakatingin siya sakin ngayon at bigla na lang niya iniwas sakin ang tingin na 'yon.

"Anyway, this is our script. Nakalagay na diyan lahat kung ano ang mga mangyayari ipapabasa ko lang naman sa inyo hehe..." Sabi niya at natawa na lang kami sa kanya. Akala kasi namin iiwan niya samin.

"Hmm... Manager Clinton, can I gave a question?" Singit naman ni Manager Kim. Tumingin kaming lahat sa kanya.

"May magaganap bang kissing scene?" Biglang nanlaki ang mata ko ng mabanggit niya ang kissing scene word. Shocks! May pina-plano ang babaeng 'to! Oh No!

"Yes, of course! Hindi naman yun mawawala sa isang movie." Sabi ni Direk at ngumisi sa aming dalawa ni Bryan. Parang si Bryan wala lang eh ako? Na mumula na siguro ako ngayon! Kainis! Kung alam niya lang na may nangyari na sa'min! Omg!

Hinampas ko na lang ng mahina si Manager Kim at tumatawa na lang ako.

"Hahaha, Manager Kim just shut up your mouth," sabi ko at nahihiya na. Tumango naman siya at nag-zip ng mouth. Haaaay!

"Anyway, ang name mo Ms. Sheena sa script ay Sylla, and you Bryan is Henry." Panimula niya at sinabi niy sa amin lahat ng sa kwento or sa script. Hindi na nga namin tiningnan yung script kasi nakikinig na lang kami sa kanya.

"Sa Monday na ang start ng shooting natin, at sa linggo ang alis natin." Sabi niya at nagtaka naman kami.

"Wait direk, Saturday ngayon so it means tommorow?" Tanong ko naman.

"Yep. May flight tayo papuntang Legazpi, Albay o Bicol. Dun kasi ang unang scene at magkikita tayo sa labas ng Airport kung maari, 10:00 a.m ang alis kaya sana makarating agad kayo dun." Sabi niya. Hala! What about my son?

"Ilang araw po ba tayo dun direk?" Tanong ko.

"2 weeks." Sabi niya at nagulat naman ako. 

"Pwede po bang mag-sama ng bata?" Sabi ko at napatingin naman siya sakin.

"Bakit?"

"Ano kasi, hindi ko kayang hiwalayan ang anak ko ng 2 weeks baka magtampo na naman kasi sakin." Sabi ko at tumungo na lang. Hindi kasi alam ni direk na may anak ako kaya siguradong magugulat siya. Nung nagpaalam kasi sakin 'non si Brix sa bahay nung paalis na kami nakalabas na nun si Direk kaya I have no time to explain about my son.

"M-may anak ka na? Bakit hindi namin alam?" Gulat na sabi niya.

"I know direk but Manager Kim and Bryan, alam nila. Lihim lang po kasi ang panganganak ko noon kaya nahirapan po ako." Sabi ko at halata pa rin sa mukha ni Direk ang pagkagulat. Always naman ganito ang sitwasyon kapag nalaman nilang may anak ako.

"Sino naman ang ama?" Tanong niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Bryan di ba?

"Ano, college kasi kami non tapos nagising na lang ako ng may amnesia na siya kaya hindi na kami niya naaalala." Sabi ko at napatingin kay Bryan pero nakita ko siyang nakatitig sakin kaya napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.

"Ahh... I understand. Pero hindi kasi pwede alam mo naman na maraming fans ang pagkakaguluhan kayo, atsaka magtataka sila kung bakit ka may kasamang bata baka ipa-media pa nila at gumawa ng maling akala na anak niyo iyon ni Bryan."Mahabang paliwanag niya at kinabahan naman ako sa sinabi niya. Ehh totoo namang si Bryan ang dad ni Brix eh!

"Oh sige po. Magpapaliwanag na lang po ako sa anak ko pero pakiusap lang po na sana tayo-tayo na lang po ang makakaalam nito direk." Sabi ko at tumango na lamang siya sa pakiusap ko.

Buong araw namin pinag-usapan ang tungkol sa script at nag-practice din kami ni Bryan ng lines para sa gaganapin na movie. Tawa pa nga kami ng tawa dahil sa reaksyon ni Manager Kim na kinikilig. Sinabihan ko na siya pero ayaw niya talagang tumigil yung mga titig niya kasi may sinasabi.

Ms. Sheena-I'm-sure-na-magkakabalikan-kayo-niyan-yiiiieeee-look. Natawa na lang ako sa kanya. Walang ginawa sa buhay. Pero minsan ko lang siya nakikitang ganyan kasi lagi siyang seryoso sa mga bagay. Pinabayaan ko na lang.

Marami kaming ginawa at ang-swimming din kami dito. Malamig at presko ang hangin kaya hindi naman ako nagbaka-sakaling mangingitim ako. Haha.

Pagkatapos ng ginawa naming yun, umuwi na rin kami at inihatid kami ni direk gamit ang van niya sa bahay nina Bryan. Nagulat nga si Manager Kim kasi dito na kami pinapatira ni Bryan. Nginitian ko na lang siya at tumawa na lang sa mga hinala niya. Hay nako!

BRYAN'S POV

"Ano, college kasi kami non tapos nagising na lang ako ng may amnesia na siya kaya hindi na kami niya naalala." Sabi ni Sheena. At tumingin naman akong maigi sa kanya. May feelings kasi ako na may kinalaman siya sa nakaraan ko. Tumingin sakin si Sheena at iniwas sakin ang tingin niya.

May ibig sabihin ba yung nakaraan niya sa nakaraan ko? Ang lakas ng kutob ko tungkol sa sinabi niya. Parang siya y'ata ang hinahanap kong matagal na. Parang siya si Sheena perez ang mahal ko.

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Where stories live. Discover now