Chapter one

2 1 0
                                    


Hindi biro ang pinagdaanan ko sa loob ng dalawang linggong pananatili sa school na ito. Mas mahirap pa to sa naranasan ko noong nasa puder ni Tita. Ang pangalawang asawa ng tatay ko. Namatay daw ang nanay ko ng ipinanganak nya ako kaya humanap si tatay ng magiging ina ko 'kuno'. Pero pera lang pala ang habol nya sa amin.

Nang mamatay si tatay,sa akin nya ipinangalan ang lahat ng ari-arian. Kaya ganon nalang ang pahirap sa kin ng tita ko. Hindi nya ko pina-aral. Ginawa nya rin akong alipin sa sarili kong bahay. Pina-palaba,pinag papaluto,pinag papawalis at kung ano-ano pa. Kaya nang hindi ko nakayanan ay tumakas ako. Iniwan ko sila ng anak nya. Kaya ako napad pad dito. Sabi ng principal ay hindi nakaka pasok ang mga ordinaryong tao,kaya tinanggap nila ako. Maliban sa mga estudyante dito na ang tingin sa akin ay isang virus na kailangang layuan at patayin.

Habang nag ka-klase ang guro biglang tumunog ang speaker ng school kaya huminto kamng lahat at inabangan ang sasabihin.

*All student from Stanzell Academy please proceed to gymnasium now.*

*I repeat. All student from Stanzell high please proceed to gymnasium now*

*All student from Stanzell Academy please proceed to gymnasium now*

Matapos nito ay agad nagsipag tayuan ang mga kaklase ko at nagtungo ng gymnasium. Ano kaya ang meron? Pinalabas ko muna silang lahat bago ako lumabas narin. Baka kasi ay maisupan nila akong i bully kaya nag iingat nalang ako.

Paglabas ko ang dami ng esttudyante ang nasa labas narin at nagpunta ng gymnasium. Lahat sila nag tataka kung anong nangyayari. Kahit nga ako ay nagtataka rin. Sumunod ako sa mga estudyante pero malayo sa kanila dahil ayaw ko ng gulo. Baka pag mas lumapit ako ay ma-isipa ako ng wala sa oras.

Narito na ko sa loob. Ang damin estudyante. Kahit mga guro ay nandito rin. Ano ba ang nangyayari? Umupo ako sa pinaka huli,dahil nga ayaw ko nang gulo. Naka palibot ang bleachers na ito sa loob ng gymnasium. Sa baba at gitna ay naroon ang isang malaking stage. Merin itong malaki ring transparent barrier. Para syang kulungan pero walang rehas. Sa gilid naman nito ay ang principal na may kasamang tatlong 'dih katandaang mga lalaki at dalawang babae.

"I gathered you all here because we have a surprise activities. All of you will participate. I and all the staff of this Academy agreed to it. Even our Five highest Rank of staff are agreed too. Kaya wala kayong magagawa. This is the instructions. Did you all see this barriers? Well,dito kayo maglalaban. Dalawa ang tatawagin namin upang ipakita ang inyong galing. Kapag ikaw ang nanalo merong papremyo. Five days ang activity na ito. Pero ni isa sa inyo ay hindi pwedeng mag practice ng inyong kapangyarihan."

Lahat nabigla sa narinig. Pero meron paring natutuwa dahil meron daw papremyo. Pero...pano ako? I dont have power yet. I cant fight them with nothing. How i suppose to win if i dont have power? This is unfair!

Nan lulumo akong tumingin sa principal ng magsalita ito muli.

"Ang first batch ay tatawagin ngayon. Second batch tomorrow and so on. Pero para fair sa mga first batch. Walang magpa-practice. Sinong hindi susunod sa rule na ito ay may violations na matatanggap. Thats all. Wag nyo na ring subukang magtago para sa practice because we all know na alam namin ang mangyayari. Ok? So tatawag kami ng pangalan ngayon"

Matapos nitong magsalota ay bumaba sya ng stage at nagtungo sa limang taong naroroon. Madamiang natuwa ng sinabing first batch muna ngayon pero agad ding bumuntong hininga ng sinabing walang ni isa ang mag practice. Nag simula nang tumawag ang principal. Ako naman ay nagdarasal na sana'y sa last batch ako.

"Hi miss" Nabigla ako sa nagsalita kaya muntik na kong mapatalon sa kinau-upuan ko.  Tinignan ko naman ito at laking gulat ng makita ko ang isang napakagandang babae na kumakaway sa akin. Pero nang maalala ko ang lahat ng hirap na naranasan ko dito dahil sa mga estudyante ay bigla nalang akong napa atras at tinignan sya ng nagmamaka-awa na wag akong saktan. Hindi pa naman lubos gumagaling ang mga sugat ko dahil kay Fritzy. Mabuti nalang at hindi masyadong napuruhan,salamat sa lalaking yon. Pero ilang araw na at hindi ko makita sa Academy ang tumulong sa akin.

"Ahh hi miss. Bakit ka nag iisa? Wala ba dito ang mga friends mo? U-uyy bakit ganyan ka makatingin?? Hindi naman ako masama ah? Hindi kita sasaktan promise." Saad nito at itinaas ang kamay kaya lalo akong napa atras baka kasi isampal nya sakin yon. Pero hindi pala dahil itinaas nya lang ito na parang nagpa-panatang makabayan.

"H-hindi m-mo ko s-sasaktan?" Nag aalinlangan kong tanong,baka kasi magalit sya.

"Huh? Bakit naman kita sasaktan? Anong nagawa mo para saktan ka?" Taka nitong tanong sakin. Napa buntong hininga naman ako at saka umayos ng upo bago sya sagutin.

"A-ah w-wala wala" nahihiya kong saad at ibinalik ang tingin sa naglalaban ngayon.

"By the way what's your name? Im Lily Crist,isang witch. Like you know? Spells, wands, and all the witch things." Maya maya'y sabi nito at nakipagkamay. Nahihiyako naman itong tinanggap ng nanginginig ang kamay.

"Airiel Knight, Im nothing" nakayuko kong saad kaya nabigla ako ng higpitan nya ang pagkakajawak sa kamay ko.

"Bakit ka nanginginig? Did i do something wrong?" Tanong nya sa kin at pinisil ang aking kamay. Nabigla ako sa ginawa nya. Ito ang unang beses na may kuma-usap sakin. Unang beses na may nakipagkamay. Unang beses na may nagtanong ng pangalan. Unang beses na may mag-alala.

"Hey why are you crying? Oh my gosh! Didi do something to you? Oh my I'm sorry. Hey stop crying. Hey I'm worried. Stop na please"

Mas lalo akong napa iyak dahil sa sinabi nya. Meron pa palang mababait sa Academy-ang ito. Akala ko ay mga demonyo ang lahat nang naririto.

Tumigil ako sa pag iyak at pinahid ang luha bago nag salita.

"So-sorry, nadala lang ako. This is the first time that someone talk to me. That worried about me. Im sorry" saad ko at tumungo.

"What? Don't you have friends? Or companions?"

"W-wala eh. Ayaw nila sakin"

"Huh? But why?"

"Because I'm nothing"

"Nothing? Anong masama 'don? Bakit sila ba noon alam na may kapangyarihan sila? They are so absurb!"

"H-hindi mo ko sasaktan?bu-bully-hin?kahit wala akong kapangyarihan?"

"No. Of course not. Wala akong karapatan na saktan ka just because you dont have powers yet."

"T-thank you"

"From now on I am your friend. And no one can harm you as long as I am here"

Bigla ko syang niyakap at napa hagulgol. This is the best day of my life. Niyakap nya rin ako pabalik at hinagod ang likod ko."Hahaha hey stop crying na. You look like a child."

"S-sorry"

Kumalas ako sa yakap nya at tinignan syang mabuti. Ang kinis ng balat nya, ang puti at ang tangos ng ilong. Mahaba ang kulay brown nitong buhok. May dala rin syang wand at isang book.

"Why are you always saying sorry? You didn't do anything so stop saying that word"

"Ok"

Nanood nalang kami muli ng laban. Ang nasa loob ngayon ng barrier ay...What?? Sya yung lalaking tumulong sakin.

Kalaban nya ay isa ring element user na Tubig. Naglalaban sila ng mapatingin sya sakin. Nabigla ako don pero hindi ko pinansin. Nagpalabas sya ng apoy na daggers at sunod sunod na ibinato sa kalaban. Nakagawa naman nang isang water shield ang huli pero may isang dagger ang nakalagpas kaya natamaan sya nito. Sa huli nanalo ang taong apoy nayon.

------------------------------------
-----------------

To be continued ~

Legend Of Airiel Knight:Stanzell AcademyWhere stories live. Discover now