CHAPTER THIRTY-SEVEN

694 18 0
                                    

MEMORY LOSS

"Pupunta ako sa Hadria" sabi ko

"Gabi na delikado na " sabi ni Hanzel

"Bukas wag kang mag aalala pupunta tayong lahat" sabi ni Rex

----------------

Kinabukasan

nakasakay kami sa 3 chopper papunta kaming hadria .

"Sana okey lang si Dale" sabi ni Sid

"Okey lang yun sira" sabi naman ni Tyler

Pagbaba namin sa university agad kaming pumunta sa mansion ni Dale . Pero ni anino wala ito .

"saan naman siya mapupunta?" tanong ko kasama ko si marvin,hanzel at adrian yung iba nasa ibang sulok ng handria

Biglang tumunog ang cellphone ko tumatawag si Jay

Kath mukhang alam ko na kung nasaan siya

Saan?

Hindi maganda ito

Saan ?! Jay

Sa tunnel sa dagat ng makasalanan .

Paano mo nasabi ? Nakita mo ba ?

Nandito sa falls ang mga gamit niya kath cellphone at jacket

"Asaan daw siya ?" tanong ni Marvin

"Tunnel ng makasalanan .Paano tayo makakapunta doon?" tanong ko

"Alam ko kung paano" sabi ni Marvin pero bago niya sabihin tinawagan niya muna ang 12 hades para pumunta dito sa mansion

"Baba tayo sa pinaka pinaka underground ng bahay na ito" sabi ni Marvin

"meron ba?" tanong ni Darwin

"Oo, tinuro ni Dale sa akin yun" sabi ni Marvin

Nagpunta kami sa isang madilim na part ng mansion . Bakit hindi ko ito napuntahan noon

May binuksan si Marvin na pintuan at doon may hagdanan pababa .

172 steps . Bago kami makarating sa ibaba .. Medyo madilim na kaya sari sariling hawak na ng flashlight . May binuksan nanaman siyang steal door . At doon bumungad na sa amin ang isang maputik na lugar may mga buto buto ng tao .

"Wag mong sabihing nasa silong tayo ng falls" sabi ni Hanzel

"Nakuha mo" sabi ni Marvin

"Mauuna kami ni Callix sa labas may bangka kasi jan sumunod na lang kayo" sabi ni Marvin at nagsimula na silang tumawid sa falls .

Sumunod kami at manghang mangha ako parang hot spring ang lugar na ito pero ang pinagkaiba lang may mga lumulutang na mga kalansay .

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Marvin

"Hindi masyado" sabi nito habang patuloy sa pamamangka .

Patuloy ako sa pagdadasal na sana safe siya . Para maka hingi ako ng tawad sa kanya .

Pagdating namin sa tunnel madilim nanaman kaya gumamit nanaman kami ng flashlight .

"Kath mag ingat ka" bilin ni Adrian

"Basta kailangan mahanap natin si Dale" sabi ko

"Nandito siya" sigaw ni Marvin kaya agad kami tumakbo patungo kay Marvin

"Dale gumising ka" sigaw ni Marvin

"Dale" tawag ko sa pangalan niya . Panay ang dugo sa mukha niya na galing sa ulo niya

Who Will Kill Me? Where stories live. Discover now