[Day 12: The beginning]
KYLIE'S POV
Maghapon kaming nag-stay sa school's auditorium. Nagkaroon ng seminar para sa aming mga Senior High School students. Ang seminar ay patungkol sa pagbabagong nangyayari sa mundo. It gave us a lot of information about the common issues today.
Ang dami kong natutunan at na-realize. Nasa 21st century na tayo kung saan modernize na ang ating pamumuhay. Kumpara noong panahon, mas easy at convenient na ngayon dahil sa mga high technologies. Pero habang nakikinig kanina, naisip ko na mas maganda pa rin ang pamumuhay noon kung wala lang nangyaring colonization at wars.
Sa panahon kasi ngayon, binubulag na tayo ng makabagong teknolohiya. Nagpapalamon sa pera at pansariling hangarin. Nawawalan na tayo ng patriotism at worship. Napapabayaan na natin ang mga mahahalagang bagay na dapat mas bigyan pansin. We have a lot of time in petty things that we forget the crucial ones.
Dahil sa modernization, nakatuon na ang ating interest sa mga gadgets kaya nawawalan tayo ng oras sa pamilya at iba pang bagay. Umiikot na lang ang buhay natin sa social media. Ang ilan pa sa atin ay walang alam sa netiquette kaya nauuso ngayon ang cyber crimes.
Ang high-tech na ng panahon pero may mga bagay pa rin na hindi nito kayang gawin at solusyunan katulad ng disasters, corruption at poverty. Ano na nga bang mangyayari sa mga susunod na henerasyon kung magpapatuloy ito at hindi mababago?
Napailing ako. Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa ang mga 'to. Wala naman akong magagawa tungkol dito. Kahit may isa, dalawa o ilan pang tao ang magsimula ng hakbang para mabago ito, sa tingin ko ay wala pa rin mangyayari kung ang lahat ng tao ay hindi susunod at tutulong. Cooperation lang ng lahat ang kailangan para sa ikabubuti rin ng lahat.
Pinagbawal ang paggamit ng cellphone kanina kaya pag-uwi ko na sa bahay ito nagamit. As usual, ang daming text na naman ni Troy sa akin. Halos mga nangyari sa kanya ngayong araw at kung ano-ano pa ang mga messages niya.
From: trxy
Nakauwi ka na? Pauwi pa lang ako.
Received: 5:57pmFrom: trxy
'Di ba magaling ka sa paggawa ng tula? Pwede mo ba akong tulungan? Para sa literature subject namin. Hindi talaga ako marunong gumawa ng tula.
Received: 6:13pmNatawa ako. Inisip niya talaga na magaling ako sa paggawa ng tula dahil sa ginawa ko noon? Ang pangit nga ng mga nasulat. Trying hard. Napakibit-balikat ako at namalayan ko na lang na nagta-type na ako ng message sa kanya.
To: trxy
English or Filipino?
Sent: 6:18pmFrom: trxy
Teka. Nag-reply ka ba talaga?
Received: 6:20pmFrom: trxy
Ikaw ba talaga ang nag-text?
Received: 6:20pmTo: trxy
Is that surprising? Ang OA mo.
Sent: 6:21pmFrom: trxy
Haha sorry. Natuwa lang ako. By the way, pwedeng English o Filipino.
Received: 6:22pmTo: trxy
I'll try to make one but don't expect too much.
Sent: 6:23pmTo: trxy
Anong theme ng tula?
Sent: 6:23pmFrom: trxy
It's up to you. Kahit ano raw basta apat na taludtod at hindi bababa sa tatlong saknong. Kailangan may tugma at mensahe o aral.
Received: 6:24pmTo: trxy
Ok.
Received: 6:26pmFrom: trxy
Salamat :)
Received: 6:26pmKumuha ako ng papel at ballpen saka naupo sa study table. Nagsimula akong mag-isip kung anong isusulat ko hanggang pumasok ang isang idea. Kailangan daw may message o aral kaya magsusulat ako ng tula tungkol sa mga natutunan ko kanina sa seminar. What a perfect timing!
Busy ako sa paggawa pero hindi ako maka-focus dahil minu-minuto siyang nagte-text. Ang kulit niya. Paano ako makakapagsulat nito kung istorbo siya? Tsk.
From: trxy
Sobrang ganda ng tula na ginawa mo noon. Madadama mo ang emosyon.
Received: 6:30pmFrom: trxy
Paano mo natutunan ang pag-sulat ng tula?
Received: 6:33pmFrom: trxy
Kung nahihirapan kang gumawa, okay lang na hindi mo na ituloy.
Received: 6:35pmFrom: trxy
Hindi pa rin ako makapaniwala na nag-reply ka. Nakakatuwa talaga. Salamat at binigyan mo 'ko ng pagkakataon.
Received: 6:38pmTo: trxy
Stop texting! You're disturbing me! Hindi ako makapag-isip ng isusulat.
Sent: 6:41pmFrom: trxy
Sorry. Sige, hindi na muna ako magte-text. Hihintayin ko na lang ang pag-text mo. Sorry. Take your time.
Received: 6:42pmNapairap ako at bumalik sa ginagawa. Ilang minuto ko itong pinagtuunan. Naka-ilang try ako, maraming bura at crumpled papers bago ako nakabuo ng tula. Napangiti ako at agad na kinuha ang cellphone.
To: trxy
Tapos na. Wait, I'll send it to you.
Sent: 7:05pmFrom: trxy
Sige, salamat.
Received: 7:06pmTo: trxy
Sa ating makabagong panahon
Maraming umusbong na ambisyon
Nagkaroon ng iba't ibang aksyon
At iba't ibang paniniwala at desisyonTayo ngayon ay modernisado
Nagkaroon ng malaking pagbabago
Ngunit, bakit kaliwa't kanan ang gulo?
At unti-unti nang nasisira ang mundo?Nabaon sa kahirapan sa pagtaas ng populasyon
Sa kawalang disiplina, nagkaroon ng polusyon
Maraming problema ngunit walang solusyon
Anong kinabukasan kung gan'to ang sitwasyon?Buksan ang mga mata at ating tunghayan,
Ang mga nangyayari sa ating lipunan
Simulang maki-isa, tumulong at manindigan
Upang makamit ang magandang kinabukasan
Sent: 7:10pmTo: trxy
How was it? Okay na ba 'yan?
Sent: 7:13pmFrom: trxy
Wow. Ang galing mo talaga! Ang husay ng pagkagawa mo. You can express anything through writing. You're the best!
Received: 7:15pmTo: trxy
Tsk, ang OA. Huwag mo akong paulanan ng papuri sa maliit na bagay. Ginawa ko rin 'yan para makabawi sa 'yo. Sorry kung tumanggi ako sa friendship na inalok mo.
Sent: 7:18pmFrom: trxy
Okay lang. Naiintindihan kita. At least nag-reply ka na :)From: trxy
Pero nag-aalangan akong gamitin at angkinin na ako ang may gawa nitong tula mo. Plagiarism 'to 'di ba?
Received: 7:19pmTo: trxy
Ang drama mo. Ginawa ko 'yan para sa 'yo. Binigyan kita ng permission. So, stop the drama.
Sent: 7:20pmFrom: trxy
Sige. Maraming salamat :) Babawi ako sa 'yo. Kung ikaw naman ang mangailangan ng tulong, huwag kang magdalawang isip na magsabi sa akin =)
Received: 7:21pmTo: trxy
So, valid pa rin ba 'yung sinabi mong tutulungan mo ako sa paghahanap sa boyfriend ko?
Sent: 7:22pmFrom: trxy
Oo, tutulungan kita.
Received: 7:23pmNahiga ako sa kama at napatingala sa kisame. Sana nga ay matulungan niya akong malaman kung ano ba talagang nangyari kay Jordan. Matagal nang misteryo sa akin ang bigla niyang pagkawala. Hindi rin ako pinapatahimik ng mga sinabi ni Eunice. Marami nang katanungan ang gumugulo sa isip ko at kating-kati na ako na makahanap ng sagot.
To: trxy
Aasahan ko 'yan.
Sent: 7:25pm
BINABASA MO ANG
Game Changer
Teen FictionTroy Kieron Cardenal became antisocial because of an embarrassing experience he had in his elementary days, a reason why he's still single since birth. But, his normal life will suddenly change after buying a lost cellphone from his friend. For the...