Chapter 1

1.3K 57 16
                                    


Broken Vow

"Ramona Annalize..."

Nag-echo ang tilian at hiyawan ng mga estudyante sa loob ng gymnasium nang lumuhod si Resse sa harapan ni Ramona. Inikot ng dalagita ang paningin sa paligid at namumula ang pisnging niyuko ang nobyo.

"Reese! Nakakahiya! Tumayo ka ng diyan..."

Subalit hindi siya pinakinggan ni Reese. Hinawakan pa nito ang kamay niya at dinala sa dibdib.

"Mona, alam kong mga bata pa tayo... But I've never been this sure in my whole life. I've never felt this way to anyone. I've never fall in love this hard."

"Reese..." speechless na nakagat ni Ramona ang ibabang labi.

"Will you you marry me?"

Napasinghap si Ramona nang ilabas ni Resse ang kulay pula at maliit na box sa bulsa nito. Nang buksan
iyon ng binata tumambad ang singsing na kumikislap ang maliit na bato sa gitna.

Nanlabo ang paningin ni Ramona mula sa pangingilid ng luha sa sulok ng kaniyang mga mata. He's her first boyfriend, first kissed, first in everything...

Asking her to marry him... felt surreal.

Is this a dream?

Just when Ramona thought it was a dream, napaigtad siya sa malakas na tunog ng alarm clock.

"Oh, great!" Nagdadabog na kinapa niya iyon sa ibabaw ng bed sidetable table at in-off at saka sabog ang buhok na dumilat.

That freaking dream again.. Ang tibay rin talaga ng ala-alang 'yon, ano? Ayaw pa rin siyang tigilan. Ilang taon na ba ang nakalipas? Hindi na niya mabilang sa sampung daliri. Nakakatawa lang dahil para bang kahapon lang 'yon nangyari.

Mapait siyang napailing at patamad na bumangon. Naglakad siya sa sliding door palabas ng balcony at binuksan iyon. Nilipad ng hangin ang buhok ni Ramona.

Maaliwalas ang kalangitan. Tirik na tirik ang araw kahit alas syete pa lang ng umaga. Buwan na kasi ng Marso at nagsisimula na ang tag-init.

Natuon ang tingin niya sa mga sasakyan sa ibaba na naipit sa araw-araw na traffic. Maiitim ang
ibinubugang usok niyon galing sa tambutso at maingay na maririnig ang mga pagbusina.

This is what she hates moving in the city. Polluted na nga, maingay pa. Kaso wala naman siyang pagpipilian noon. Mas gugustuhin na niyang magkasakit siya baga at ma-stress kesa paulit-ulit na masaktan. Hindi siya masokista.

Naiiling na bumalik sa loob si Ramona. Binuksan niya ang ref sa kusina at tinungga ang karton ng gatas. Sinimot at tinakpak pa niya sa bibig ang kahuli-huliang patak niyon bago dumiretso sa banyo.

Mag-isa lang siyang nakatira dito sa unit at hindi uso sa kaniya ang mag-grocery. Sa labas kasi ng condo niya ay tabi-tabi na ang fastfood chains at restaurant. Gabi na rin kung umuwi galing sa trabaho si Ramona kaya wala na siyang oras para magluto. Nasanay na siya sa takeout na pagkain. 

Kasama sa benepisyo ng kumpanyag pinagtatrabahuan ni Ramona itong unit. Bukod sa maganda ang pasweldo, kaibigan rin niya ang may ari. Kaya kahit hindi walang alam noon mamuhay sa syudad, nakipag-sapalaran siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ramona's Happily Never After (On Going)Where stories live. Discover now