DARK PAST 20

2.2K 36 0
                                    

Aia POV

Naalarma ako ng sabihin ni Liam na nagpakita sa kanya si Savannah. Mukhang papasugod na ang kalaban hindi ako pwedeng makampante, hindi ako pwedeng maghintay at tanggapin lahat ng kanyang pag atake.

Ngayon ko kailangang maging malakas, ngayon ako dapat manindigan. Noon lumalaban ako para sa sarili ko, ngayon lalaban ako para sa mga kaibigan ko, sa katahimikan ko at para sa mahal ko. Si Liam.

"Aia, bakit na naman? Napapadalas ata ang pagpaplano natin?" reklamo ni Chin.

"Not this time, hindi na tayo maghihintay ng pagsugod dahil tayo mismo ang susugod." madiing sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Chin si Julie napatuwid naman ng upo. Nagawa kung kontrolin lahat noong ako lang mag-isa bakit di ko gawin yun ngayon?

"Aia, ano bang binabalak mo?" Julie.

"Kilala natin ang kalaban, bakit di natin sya unahan." walang pag-aalinlangang sabi ko.

"Aia, gusto mong mag simula ng laban?!" Chin.

"Napapagod kasi akong maghintay, sawa na akong matakot, kabahan at manginig marinig lamang ang pangalan nya." ako.

"Hindi ako sigurado sa binabalak mo." napapahilot sa noo na sabi ni Chin.

"Naisip ko na ganyan ang magiging sagot nyo, hindi ko aakalaing tama ako.Hahaha." napatawa nalang ako.

"Hindi sa ganun Aia, kasi...." Chin.

"Kasi ano Chin?" mapang hamon kung sabi.

Nagkatinginan silang dalawa, halatang hindi sang ayon sa gusto ko. Pero hindi na magbabago ang desisyon ko, nakasalamuha ko na noon si Kamatayan ang tulad lang ba ni Savannah ang pagpapaluhod sakin? Oh. Come.On.

"Aia, paano si Liam?" Chin.

"Ano meron sa kanya?" taas kilay kung tanong.

"Pagkinalaban natin si Savannah maaring balikan nya si Liam at sasabihin nya sa kanila ang totoo." Chin na sinusubukang baguhin ang isip ko.

Sorry Chin, para sating lahat to, ayoko ng habulin ng nakaraan.Tatapakan ko ang hahadlang sa plano. Nanahimik ang dragon, ginising nyo pa. Malas nyo lang.

"Totoong ano? Totoong tayo ang pumatay kay Thera? Bakit Chin." Napatingin sya sakin. "Julie" baling ko kay Julie. "Tayo ba ang pumatay sa kanya?"

Nakita kung napalunok si Chin. Samantalang napayuko naman si Julie at nagpahid ng pawis.

Ayokong mag-isip ng consequences na maaring gawin ni Savannah oras na sumugod ako sa kanya. Kung gusto nyang magsiraan kami at magkalkalan ng nakaraan, maaring marami syang mailalabas sakin. Pero pangako ipapalunok ko sa kanya lahat ng yun, oras na sumugod ako huwag nyang asahang patas akong lumaban.

Hindi nya alam lahat ng hirap ko para marating itong payapa kong buhay, hindi ko hahayaan yun. Dahil ako...

Ako si Maia Majesta. Pinuno ng pinaka malakas ng samahan sa buong rehiyon. Pangalawa lang sya sakin, dahil kahit kailan hindi nya pa ako matalo-talo.

An evil Smile form on my Lips.

"What's with the smile?" Julie.

"Oh...no..no...She's not coming back!" Chin.

Patuloy lang akong nangingiti sa reaksyon nilang dalawa parang mga baliw. Nagpatango-tango lang ako.

"Please wag!" hestirikal na sabi ni Chin.

"Aia, please no." pagmamakaawa ni Julie.

"Bakit hindi nyo ba sya na miss?" mas lalong lumaki ang ngiti ko.

His Wife Dark PastWhere stories live. Discover now