#1: DECISION

20.1K 430 23
                                    

Elaine P.O.V

"lola ayoko nga sabi ehh. ang kulit mo naman ehh"

   Pag gising ko ng umaga imbes tiktilaok ng manok ang marinig ko boses na ni Lola. Nakakaasar lang kasi dahil di talaga siya titigil hanggang  di ako pumapayag na ilipat niya ako ng school.

"El, bat ayaw mo dun . ? eh dati nga ayaw mo akong tantanan na ilipat ka dun tapos ngayon ayaw mo na. Apo para naman sayo ang ginagawa kong ito."

''lola" sabay hawak sa kamay nya ''marami na po akong kaibigan sa Nightwoods tanggap na po nila ako. Mahihirapan lang po akong mag adjust."

''bakit sa Monford wala kabang magiging kaibigan? Alam kong kaya mo yan . Sa Simula palang yan masasanay din sila. Maganda ka tandaan mo yan"

tiningnan ko lang si Lola.

''lola, sa tingin mo ba magkakaroon ako ng kaibigan dun?. Sa mukha kung to" sabay turo sa mukha ko.

"anu kaba. maganda ka naman ahh"

''lola ayoko nga dun swear .''

''naenroll na kita. Dun kana mag-aaral."

"lola di mo manlang sakin sinabi''

''Para surprise'' at tumalikod na sya sakin. >______<

     At lumabas na siya ng kwarto ko. Napadapa nalang ako sa kama ko. Hayyysss. Bakit ngayon pa kong san may phobia na ako. Baka kasi makita ko siya.

       By the way i'm Elaine Young 1/4 british 1/4 korean and 1/2 Filipino. 18 years old incoming 2nd year college at Monford Academy taking up the course of Fashion Modeling tsss . Even I'm just a nerd pero pangarap ko paring maging model ^______^ .

      by the way paanu ko sasabhihin sa Bestfriend ko na si Fides na ililipat na ako ng school? Alam kung iniisip nyu kung bakit pati yun ay prinopoblema ko? sya lang naman ang bestfriend ko na binubogbog nya lahat ng bumubully sakin. babae sya ok at di din sya lesbian . Asal lalaki talaga yun minsan nga pinatawag sya ng guidance kasi sinuntok nya yung mukha ng babaeng uminsulto sakin. tama nga kayo isa syang gangster. Di ko naman sya pwedeng i meet kasi baka bali na yung spinal cord ko . bahala na nga.

        dinial ko yung phone num nya sa telephone namin. maya maya may sumagot.

"hello . This is George . Alcaraz's Butler. Who is this?" magalang na sabi ng nasa kabilang linya.

"hello George . Its Elaine. May I Speak with Faith" sabi ko.

"just a minute Young Lady." at umalis siya.

"hello" boses ng isang babae.

"Faith?" sabi ko.

"bakit kanapatawag?" sabi niya .

"ah eh ano?" unauutal kong sabi sa kanya.

"HOY ELAINE. BILISAN MO NGA DAHIL MAY TRAINING  PA AKO" halatang naiirita na siya.

"Ano kasi" waaahh pano ba to?

"kapag di ka pa nag salita . Sisipain kita papuntang Dead Sea" pagbabanta niya.

"Lumipat na ako ng school" mabilis kung sabi. Yung parang hinabol ng asong kalye.

"ANO?!" tsssk. feeling ko sasabog na yung tenga ko ng dahil sa kakasigaw niya. "saan?" yan . Huminahon na siya.

"Monford" sabi ko.

"pinilit mo na naman ba si Lola na ilipat ka sa paaralang yun? " I can feel na nalulungkot na siya.

"sorry Faith. Its not my own decision si Lola ang nagdisesyon." malungkot kong sabi. Narinig ko na bumuntong hininga siya.

     Parang kapatid na kasi ang turingan namin. Palagi siyang nandyan kapag may kapalpakan na nangyayari sa buhay ko.

"kakausapin ko si Lola" sabi niya.

"wag na Faith. Salamat. "

"kapag may umaway sayo sabihin mo sakin. At by the way Diba dun nag -aaral si Kyoshi.Maliit lang ang mundo Elaine. Kahit anong gawin mo magkikita parin kayo" sabi niya. Tama siya . Kahit anong gawin ko makakita ko parin siya. "I have to go . Call me if you need my help" then she hung up.

     Tumingin ako sa pigura ng isang babae sa salamin. Ngumiti ako ng mapakla. Babaeng nakasuot ng spongebob na T-shirt , Jersey na short, nakaponytail na buhok, may makapal na salamin at may brace. Isa lang ang masasabi ko maganda ako :).

     Dahil ito ang totoong totoong ako.

REVENGE OF THE NERD  (Published Under IMMAC PH)Where stories live. Discover now