CHAPTER 2: THE BOOK (HIS EYE)

94 12 23
                                    

Chapter 2: The book (His Eye)

Nakauwi na ako sa bahay pero hindi parin matanggal sa isipan ko ang nangyari kanina. Who's that guy? Bat nya ko niligtas? Ang mga tanong sa isip ko na ngayon ay blangko parin dahil sa kahit ako ay di alam ang kasagutan.

Kung sino man siya I want to thank him for saving my life. Pagkalapag ko sa mga binili ko ay dumeretso ako sa kwarto ko. Papasok na sana ako ng biglang may humila sa kamay ko at isinandal ako sa pinto.

Nanlaki ang mga mata ko sa nangyari. Diko makita ang mukha nito dahil sa dilim. Ilaw ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw rito.

"Bakit ang tagal mo?" malamig na sabi niya at nilagay ang magkabilang kamay sa bawat gilid ko. Sheems! Wala na akong kawala! Nilapit niya ang mukha sakin kaya agad akong napatingin sa gilid. Boses pa lang alam kong si Zach to pero bakit niya ba tinatanong? Bakit niya ito ginagawa? Ano bang pake niya?!

"Pake mo ba ha?!" Inis na sabi ko habang iniiwasan ang mga titig niya.

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya. Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

"Stupid.. Look at me" inis na sabi niya. Bat ko siya titignan? Hindi ko siya boss para sundin no!

"B-Bat naman kita susundin huh lalaki?!"

"May pangalan ako. Aish you little demon", iretadong wika niya.

"W-Whatever. U-umalis ka n-nga sa harap ko!" tinignan ko siya ng masama para maramdaman niyang inis na inis na ako at unting-unti nalang talaga baka masampal ko na siya!

Sus! Gusto mo rin naman ang nangyayari.

Sigaw ng isip ko... What the?

"Nauutal ka." napalunok ako at huminga ng malalim. Trying to avoid of what i'm saying--i mean pagkautal ko ngayon.

"N-No", i clear my throut. "Hindi ako nauutal psh." umiwas ulit ako ng tingin sa kanya.

"'Wag kang titingin sa iba.. Sakin lang", He said. Agad namang nag-init ang mukha ko.

I am blushing? Fuck!

Ano ang ibig sabihin niya don? Hindi ko siya maintindihan pero sa sandaling 'yon ang mukha ko ay nag-init at namis-understood ko ata ang sinabi nito.

"Cute ka rin pala mag-blush", Dagdag niya pa. Paano niya nalaman? Waah ganun na ba kalinaw ang mata niya?

"Im not blushing jerk." inis na tugon ko rito. I rolled my eyes on him. Pwede bang mag super sayan? kingina! Ialis niyo sa harap ko ang lalaking 'to!

"Psh! Sagutin mo nalang tanong ko dami pang satsat." Agad akong napanganga sa sinabi niya. Seriously? Biglang nagsungit? Arghh napaka bipolar. You're getting to my nerves!

"Bat mo kasi tinatanong?" inis at may diin kong usal. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Kung sinagot mo nalang yung tanong ko sana hindi kana kinikilig dyan, tss." nanlaki ang mga mata ko. The hell? Kinikilig?! Hindi ako kinikilig Jerk!

"FYI hindi ako kinikilig noh! at huwag ka kasing magtanong dahil wala akong balak sagutin lahat ng tanong mo!" inis kong sabi at tinulak siya. Agad akong umalis ng kuwarto ko at pumunta nalang sa kusina. "Aish!"

💍

*PUTANGNA GUMISING KANA! PUTANGNA GUMISING KANA!
PUTANGNA GUMISING KANA!*

Scarllete Calling...

Inis kong kinuha ang selpon ko dahil sa pagtawag ng walang hiyang Scar nayan! Nagdududa siguro kayo kung bakit ganon ang ringtone ko noh? Well, kagagawan lang naman iyon ng walang hiya kong kaibigan na si Scarllete.

Married with A VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon