Luha

5 0 0
                                    

Mga Luha

Ako nanama'y umiiyak,
pero tinatago koto at dinadaan sa pagtawa at paghalakhak.
Luhang di tumitigil sa pagpatak,
puso kong parang sinasaksak.

Pinipigilan ko at pinipilit na ngumiti,
Mata kong sobra ng hapdi
Sa pag iyak mula araw hanggang Gabi,
Alam ko namang ganito ang mangyayari sa huli.
ngunit pinilit ko parin ang aking sarili.

Sa bawat tawa at ngiti,
May nakatagong lungkot at pighati.
Hindi mo yun malalaman,
Dahil iniisip mo na ok lang ang aking nararamdaman.

Sana naman ito'y iyong mapansin,
para naman maibsan ang sakit na aking kinikimkim.
Sana naman ako'y iyong diretsuhin,
At sabihin na "Ayaw mo na sakin".

Luha't sipon,
Ay nagkasalubong.
Pulang mata at namamaga,
dahilan ng Luha.




Poetry for you [2k18]✓Where stories live. Discover now