CHAPTER 26

947 17 0
                                    

CHAPTER 26

UNIQUE'S POV

ARAW ng lunes maagang pumunta si Knight sa kompanya para ayusin ang konting problema.

Umalis narin si Unice kasabay si Knight para pumasok sa paaralan.

Naiwan ako sa bahay mag-isa hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinili kong maglibot-libot sa bahay ni Knight kesa humilata.

Magpapawis na ako at parang nag-eexercise narin. Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ay bumaba ako ng kusina para uminom ng tubig.

"Knight, Knight" rinig ko na may tumatawag kay Knight, boses ng babae medyo nga pamilyar pero hindi ko talaga matandaan kung kaninong boses yun

Pumunta ako ng living room para makita kung sino yung babaeng pumasok .

Nang pagdating ko  sa living room nakita ko ang mommy ni Knight na tila ba may hinahanap .

"Ma'am, hinahanap niyo ho ba si K-Knight?" Tanong ko na nauutal pa. Nakakatakot naman kasi ang aura ng mommy ni Knight.

"Bakit sino ba sa tingin mo ang hihahanap ko? Ikaw? " Sabi niya ng nakataas pa ang kilay.

" Ahm, pasensya na po pero wala ho dito si Knight, pumunta po siya sa kompanya para asikasuhin yung problema ng kompanya." Sabi ko sa mommy ni Knight.

"So I think I must go, " akala ko aalis na siya pero agad itong humarap ulit sakin.

"Oh, by the way I just want to ask you kung magkano ba ang halaga mo? 1 million, dalawa , lima o baka naman sampu. Sampung million sapat na sigurong halaga yun para iwan mo ang anak ko ." Lumapit siya sakin ng konti.

"Yun lang naman ang habol mo sa anak ko diba? Pera. Siya nga pala pinaimbestigahan na kita at nalaman kong nagtarabaho ka pala sa isang bar. Isa ka palang pokpok. Ang galing mo rin no?nang-iinsulto ang kanyang tingin sakin.

"Ang anak ko pa talaga ang nabingwit mo. Siguro alam mo ng may mahihita ka sa anak ko kaya pinatulan mo agad. " Naiiyak na ako kaso ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako. Na magpapadala ako sa mga sinasabi niya masasama tungkol sakin

Oo aminado ako na totoo lahat ung mga sinasabi niya pero wala naman siyang karapatan para sabihan ako ng masasamang salita. Gusto kong sumagot gusto kong ipagtanggol ang sarili ko pero ina siya ng lalaking mahal ko kaya irerespeto ko siya.

"Hindi naman talaga kayo bagay ng anak ko sa totoo lang. Ewan ko nga kung bakit ikaw pa yung napili niya. Ano bang meron sayo at nakuha mo ang anak ko. Layuan mo na ang anak ko, hindi ka karapat-dapat sa kanya. Sisirain mo lang ang kinabukasan niya. Kung mahal mo talaga ang anak ko layuan mo siya. Patunayan mo sakin na totoo ang sinasabi mong pagmamahal." Patuloy niyang sabi.

Masakit. Sobrang sakit pero ayaw kong unahin ang nararamdaman ko dahil mas napatunayan niya lang na wala akong kwentang babae. Na isa akong walang pinag-aralang babae kaya mas pinili ko nalang manahimik at umiyak ng walang tunog.

Gusto kong tumakbo pero ayaw kong isipin niya na madali kong susukuan ang anak niya

"Mom, Nique" narinig ko ang boses ni Knight.

"What are you doing here mom?" Tanong ni Knight sa mommy niya.

Pumunta siya sa tabi ko at mataman na tinignan ang mommy niya na nasa harap namin.

"I just came here to talk to you sana kaso sabi ng kasamba- I mean ng babae na yan na wala ka raw dito so we have a short chit-chat  bago ka dumating, aalis na nga sana ako e," sabi ng mommy ni Knight

Habang nag-uusap ang mag-ina palihim kong pinunasan ang luha ko.

"Babe dito ka muna, I just need to talk to my mom" hindi ko namalayan na nakaalis na pala ang mommy niya.

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedWhere stories live. Discover now