Chapter Six

2.9K 92 35
                                    

Chapter Six

"Ate Fille, no."Hindi na mapigilang tumawa ni Aly sa harap ng kanyang bisita sa loob ng kanyang condo. "Ako magiging teacher non? Ate Fille naman."

"Seryoso ako Aly. Kaya nga kita sinadya dito para makausap kita ng personal." Hindi mapigilang mabigla ni Fille sa naging reaksyon ng kaibigan nya. Nagsisimula pa lang syang sabihin dito ang pinapakiusap ng kanyang sister in law ay nakikita na nyang yumuyugyog ang balikat neto sa pinipigilang tawa.

"Sorry, Ate Fille. It's just that, masyadong nakakatuwa ang sinasabi mo." Aly straightened her sit. "So, Ate you're telling me na ako ang magtuturo maging Pinoy ang babaeng yun?"

"Ang maarte, sobrang feelingerang babaeng yun?"

             Fille gave a big sigh as she looked at Aly who was now laughing hysterically on the big couch. Bigla bigla na lang etong tumatawa ng malakas. Her sister in law asked her if she could persuade Aly about the plan, since malapit naman silang magkaibigan. Ngunit, mahihirapan ata syang kumbinsihin eto.

"Aly, please pumayag kana. Tuturuan mo lang naman syang maging katulad natin."

"Ate Fille hingin mo na lang ang iba, wag lang yan. And, bakit ako? Bakit hindi yung mga government official ang gumawa nyan?"

"Ikaw ang gusto ng Prinsesa." Pagsisinungaling ni Fille dahil sa totoo lang hindi nya rin alam kung bakit si Aly ang gusto ng mga senador.

"What? Ako? Ate Fille, kahit ipakain man yun sa pating hinding hindi yun papayag na ako ang magtuturo sa kanya."

             Fille was about to answer her when her phone rang. It was her Uncle. AFPCommander in Chief Ronaldo Valdez.

"Hello po Uncle."

Somehow Aly knew kung bakit tumawag sa kanya ang Tito nya. It had something to do with the Princess, na kanina pa sa kanya sinasabi ni Fille.

"Okay po. I'll be there po." The line went dead.

"Sorry Ate Fille, pero pinapatawag kasi ako ni Uncle."

"Yung Tito mo sa AFP?"

              Aly nodded.

"Dahil rin ba yun sa sinasabi ko sayo ngayon?"

             Aly shrugged. "Siguro."She looked at Fille. " And, I've got a bad feeling about this."

             Twenty minutes later Fille dropped Aly off at the AFP Command Center. Pumunta sya agad sa opisina ng kanyang Tito. Nadatnan nya etong kausap sina Sen. Drilon at Sen. Escudero.

"Pasok ka Alyssa." Sabi agad neto pagkakita sa kanya at pinakilala sya sa dalawang senador.

"Labas na lang po muna ako Uncle, mukhang may pinag-uusapan pa po kayong mahalaga."

             Sen. Escudero made a quick response bago pa man sya makaalis. "Actually, ikaw ang hinihintay talaga namin."

             Sen. Drilon readily explained to her about their plan. At kung ano ang involvement nya dito. Just like what Fille had been saying to her a while ago.

"And for three weeks she has to live with you." The senator ended and the three of them looked at her.

"What?" Hindi na mapigilan ni Aly ang mapatayo at masigawan ang dalawang senador.

"Alyssa, sit down." Saway sa kanya ng kanyang Tito. "Where are your manners?"

"But Uncle!" She stopped when she saw her Tito glaring at her. "Magpapasagasa na lang ako sa MRT kesa gawin yung iniuutos nyo." She murmured.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taking Chances ft. AlydenWhere stories live. Discover now