Kabanata III- Ang Hapunan

192 0 0
                                    

Ipinabatid ni Rizal ang kaniyang obserbasyon sa mga bansang kanyang napuntahan . Ayon sa kanya ang isang bansang malaya ay mabilis ang kaunlaran samantalang ang isang sakop ay naghihirap. At ang pananagana o pagsarahop ng isang bansa batay sa mga pagsusumakit o pagpapabaya ng mga ninuno ng mga mamamayang ito. Ipinakita niya na napakahalaga ng pag-aaral sa kalinangan at kasaysayan ng bawat bansa. Sa pamamagitan ng mga kaisipang ito ay unti-unti nang itinanim ni Rizal sa mga Pilipino ang pagpapapahalaga at pagmamahal sa sariling bayan.


Ang pag-aagawan ng upuang panguluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla at pabalantikayong alok nito kay Tinyente Guevarra ay pagpapakita lamang kung sino ang dapat kilalaning makapangyarihan sa lugar. Tinatrato ang tunay na may-ari ng bahay na siyang dapat nakaupo sa kabiserang upuan bilang tagapagsilbi o alipin.


Ang pag-hamak ni Padre Damaso kay Ibarra ay pagpapakita lamang na tutol ang mga Kastila na matuto at makapag-aral ang mga Pilipino sa ibang bansa upang patuloy nilang maging sakop.

Noli Me TangereWhere stories live. Discover now