"Manong naman bat ka nagpauto sa anak ko? Hindi ba at sinabi ko sa iyo na wag na wag mong aalisin ang tingin mo sakanya?"galit na sermon ni dad kay manong
Naawa tuloy ako kay manong
"At ikaw naman Charlie kelan kaba magtatanda ha?napaka suwail mong bata ka!niloko mo pa si manong makatakas kalang! Hindi ko na talaga alam ang gagawin saiyong bata ka"parang stress na stress si dad sa ginawa kong pagtakas
"Ano bang balak mo sa buhay mo charlie?Bakit ba napakatigas ng ulo mo?"sigaw ni dad
Sana lang wag na nyang dagdagan ang pagiging grounded ko
"Hindi ko na talaga nakakayanan ang pagiging suwail mo!"nag walk out nanaman si daddy
Ewan ko ba kung matutuwa ako na hindi nya dinagdagan ang pagiging grounded ko o kung dapat na akong kabahan dahil baka mas malala pa doon ang gawin nyang parusa ko
"Sige na manong bert pumunta ka muna sa labas"wika ni mommy
"T-tanggal naba ako sa trabaho ko ma'am? Naku ma'am maawa po kayo wala po akong maitutustos sa pamilya ko kung tinanggal nyo ako"pagmamakaawa ni manong
Napaiwas nalang ako ng tingin,Nakokonsesenya ako sa ginawa ko kay manong.
Aba syempre!ang dyosang tulad ko ay mayroon ding Konsesnya noh!
Nakakaawa si manong pero mas nakaka awa ang kagandahan ko dahil mukhang hindi natuwa si lola sa ginawa kong pagtakas
"Hindi ka masisisante manong pero malilipat lang ang trabaho mo,driver kana ni mama mula ngayon"
"Naku maraming salamat po ma'am!"
Rinig kong usapan nila habang si lola naman ay nakaupo sa harapan ko at tahimik na nakatitig saakin
"Charlie"tawag ni lola sa maganda kong pangalan
Siguradong seryoso sya nito,minsan lang nyang tawagin ako sa pangalan ko dahil ang madalas kong naririnig na tawag nya saakin ay maganda kong apo at apo kong maganda
"Pinag alala mo kami ng sobra apo hindi ko inaakalang kaya mong umarte para lang makapunta sa party na iyon!"mahinahon na wika ni lola
"E lola sorry na po sobrang nainip lang kasi ako dito e"nag puppy eyes ako para maawa si lola at di na sya magalit saakin
"Sa susunod wag mo ng gagawin iyon ha?pinagaalala mo ako apo jusmiyo!"
Napangiti nalang ako sa kabaitan ng aking lola akala ko talaga ay magagalit sya.
--
Sabado ngayon at nandito lang ako sa Pool inaaliw ang sarili sa pag siswimming
Nakaka bagot! Gusto kong mamasyal at magparty kaso grounded ako at ayoko munang gumawa ng kahit anong kalokohan kahit ngayong araw lang!
Gusto ko kasing tuparin ang pangako ko kay lola na hindi na ako tatakas para lang mag party!
Nakaupo ako sa may gilid ng pool at nagpapahinga ng makita kong papalapit si dad saakin
Sesermonan nanaman siguro ako nito tss. Hinintay ko syang makalapit saakin
"Charlie"mahinahon lang ang boses nya ngayon himala!
"Yes dad?"bored na tanong ko habang sumisimsim ng juice ni hindi ko manlang sya nilingon
"Mula ngayon tinatanggal ko na ang pagiging grounded mo"napatigil ako sa pag inom at gulat na lumingon kay dad