Chapter 33: Jun Ya's Side Story

169 7 1
                                    

SKIP THIS CHAPTER!
Kung ayaw niyo lang maulit yung pangyayari. Tungkol lang ito sa PoV ni Jun Ya sa Failed Mission ni Ah Nou. Wala na akong maisip eh. ><

Kiss 33:

Tatlong araw na simula noong nakaalis ako sa hospital ay ito na naman, kinidnap na naman kami ni Ah Nou. Pinapapirma niya ako ng contract sa Rising Star Company kabayaran daw sa paghacked at pagdelete ko dun sa posts nila ni Ate Hao Mei. Napagkamalan pang dahil may gusto raw ako sa kanya. Wow lang hah! Lakas talaga ang amats ng lalaking yun!

"Jun Ya, Jun Ya, Jun Ya! Sandali naman!" Hinihingal na sabi ni Lin Xia habang naglalakad kami papalabas ng building na iyon.

Sandali akong tumigil, at mula sa likod ni Lin Xia ay may nakita akong lalaki na naka-puting tuxedo ang nakatingin sa amin. Ang mga tindigang iyon, parang katulad sa Papa ko. Nilingon din siya ni Lin Xia.

"Siya yung President ng Rising Star Company diba?" Hinihingal niyang bulong sa akin.

Hindi ako makaimik, nakatingin lang siya sa amin, hanggang sa tinawag na siya nung secretary niya. Tapos umalis na kami. Simula noong araw na iyon, hindi na naalis sa akin ang pustura ng President ng Rising Star. Kaya naman ay nagsearch ako sa internet kung sino siya.

Ayon sa mga nabasa ko ay 20 years old pa lang siya ay isa siya sa biggest millionaires dahil nakuha niya ang position as the new President ng Rising Star Company, seven years ago. Although wala ng masyadong ibang article tungkol sa kanya hindi pa rin ako kuntento. Pakiramdam ko ay may kakaibang...

"Jun Ya, ayos ka lang?" Narinig kong tanong sa akin ni Ate Hao Mei. Naandito kami ngayon sa Comic Alley.

Bumibili kami ng costume para sa Cosplay Event. Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko kasama si Lin Xia ngayon kasi Sunday, family day nila. Natapos na kaming magshopping ng biglang tumawag si Kuya Yu Shu kay Ate Hao Mei at pinapasabi ni Tita na sa kanila na kami magdinner. Hindi na ako nakatanggi since si Ate Hao Mei lang naman ang kasama ko sa bahay, no choice na ako kung hindi ang sumama ako.

Habang papunta kami sa bahay nila Kuya Yu Shu ay iniisip ko pa rin kung sino ba talaga ang lalaking iyon. Sa pagkakatanda ko, siya ang kauna-unahan na nag-anyaya sa akin na pumirma sa isang contract sa Rising Star Company, tapos out of the blue, bakit ako pinapapirma ni Ah Nou ng contract sa Rising Star alam kong hindi lang dahil yun sa posts na hinacked ko. Sigurado akong may kinalaman si Mr. President dun. Kailangan kong malaman kung ano yung totoo.

Nakarating na kami sa bahay nila Kuya Yu Shu, nakasalubong namin si Kuya Zhi Shu sa may pinto kaya sabay-sabay na kaming pumasok sa loob. Sakto lang ang dating namin kasi nakahain na ang mga pagkain pero natulala na ako. Halos lahat ng nakahain ay may hipon!! Paano ako makakain nito?!

Narinig ko sa kanila na si Ah Nou ang nagluto lahat ng pagkain. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na medyo madumi nga yung damit niya, may mga bakas ito ng mga sauce at seasonings na ginamit niya. Bakit siya nagluto? Tapos bigla niya ako pinaghain ng soup. Kung titingnan sa kinikilos niya, may kailangan siya sa akin. Is it a way of bribing me? Narinig ko na lang na tikman ko na raw yung luto ni Ah Nou kasi masarap daw. Alam ko naman na masarap yung luto niya kasi amoy pa lang at sa tingin pa lang, kaya lang...

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hinihintay na nilang higopin ko yung sabaw. Kapag tinanggihan ko ito, it would be rude for me. Kapag sinabi ko na allergy ako sa hipon, baka hindi nila ako paniwalaan at excuse ko lang yun para hindi kumain. Ayaw ko naman na sayangin yung mga efforts niya sa pagluto. Humigop na ako ng sabaw... hindi ko pa siya nalulunok ay nararamdaman kong nangangati na yung dila ko kaya naman ay naibuga ko siya ng wala sa oras, pagkaminamalas nga naman sa mukha pa niya.

The Kiss That Will Lasts Forever (ISWAK 3)Where stories live. Discover now