Chapter 13

58.8K 704 21
                                    

                Maganda ang gising ko nang dumating ang umaga. Walang nang-istorbo, walang masungit na nanggising, walang nang-aaway... Speaking of nang-aaway, naalala ko tuloy si Price. At speaking of Price, asan na nga kaya yun? At ano nga palang nangyari kagabi?

                Teka nga, andito na ako sa kwarto? Eh diba kagabi, magkakasama kami ng barkada niya kagabi. Tapos, nag-order sila ng pizza, tapos, pinakain nila ako. Tapos... nakatulog ako sa sofa; sa tabi ni Price.

                Paano ako napunta dito? Binuhat ako ni Price? Weh? Gagawin niya yun? Knowing him, ‘di na siya mag-aabalang dalhin ako sa kwarto ko.

                Chineck ko yung oras. Medyo maaga pa naman, pero mas mabuti na sigurong bumangon na ako ngayon bago pa ako pag-initan ni Price.

                Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Napakatahimik pa sa labas. Syempre ang ibig-sabihin lang naman nun ay tulog na tulog pa si Price.

                Napagdesisyunan kong magluto, kahit labag sa kalooban ko dahil sa pang-aasar ni Price. Gutom na din kasi ako eh.

                Luto...luto...luto...

                Nung patapos na akong magluto, bigla kong narinig ang alarm clock ni Price. Nako, gigising na si boss. Maghanda na po tayong lahat.

                Hinintay kong magbukas ang pinto ng kwarto niya o kaya makarinig ng kung anong paggalaw manlang sa kwarto niya. Pero wala eh. Patuloy na nagring ang alarm clock niya. ‘Di tumitigil.

                Natawa ako. Mukhang ‘di makagising si Price ah. Nasobrahan ata sa puyat kagabi. Ayan tuloy, ‘di marinig ang alarm. Nako, baka ma-late naman kami nito. Ayokong ma-late, syempre.

                Mukhang kailangan kong gisingin si Price. Kailangan kong pasukin ang kwarto niya. Magiging delikado ang misyong ito.

                Binaba ko muna yung pagkaing linuto ko sa mesa tapos dumerecho sa kwarto ni Price. Kumatok ako. Baka sakaling magising siya.

                “Price?” tawag ko. “Price? Gising na.”

               

                Walang sumasagot. Tulog na tulog nga ata talaga.

                No choice. Binuksan ko ang pintuan. At dun ko unang nakita ang kwarto ni Price. Malinis. Malaki, syempre. Maganda. Wala naman masyadong makita. I mean, walang pictures nila ng family niya. Or something na kakaiba. Wala.

                Kaya nagpatuloy nalang ako sa misyon ko. Linapitan ko si Price na nakahiga sa kama niya at tuloy na tulog talaga.

                “Price?” Tinignan ko siya. Nakasando siya. Napakainosente na itsura niya. Parang ibang tao. Parang isang simpleng lalakeng gwapo. Ang hirap isipin na paggising ng lalakeng ‘to, magiging si Price na. Ang one and only sungit at napakawalanghiyang si Price.

Accidentally MARRIEDWhere stories live. Discover now