Hindi Magbabago

546 9 2
                                    

Dear Diary,

Kasabay ng mabigat na desisyon kong iyon ay pilit namang sumisigaw ang puso ko at himihingi ng tawad kay Juanito.

Patawad Juanito... ngunit hindi ko na matutupad ang pangako ko sa iyong hindi kita iiwan at hindi ako magpapakasal kay Leandro.

Dahil sa pagkakataong ito... kailangan kong pumili kung ang buhay ng magiging anak ni Maria? Na magiging pinagmulan ng lahi ng mga taong mabubuhay palang sa hinaharap.

O ang pag-ibig ko sa iyo na alam mong kailanman ay hindi magbabago kahit hindi man tayo magkatuluyan.

Nagdadalamhati,
Carmela

I Love You Since 1892 DiaryWo Geschichten leben. Entdecke jetzt