Chapter 7.

11 3 0
                                    

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad pauwi ng bahay.
Pinagalitan kasi ako ng aking manager dahil sobrang late na ako nakarating sa restaurant kung saan ako nagpa-part time job.
Hindi rin kasi nito tinggap ang reason ko na nagkaroon ako ng emergency dahil lagi nalang daw gano'n ang dahilan sa tuwing nali-late ako.

In short, i got fired by my selfish arrogant and panget na boss. Di lang panget sa panlabas maging sa pan-loob na ugali nito. Kaya ngayon para akong sinakloban ng langit at lupa matapos ma-isip na wala na akong trabaho.

Tulala ang isip ko at parang lutang na naglalakad sa kalye. Iniisip ko kasi kung saan ako kukuha ng ipang babaon sa school at ipang tutulong sa araw-araw sa aking nanay-nanayan.

"Sana pumayag nalang akong magpahatid kay Dane kung ganito rin pala ang mangyayari."
Pag-iiba ko ng tema ng iniisip. Kanina kasi'y nagpumilit si Dane na ihatid nalang ako sa bahay ngunit hindi ako pumayag dahil nahiya ako sa itsura ng aming tirahan, kaya ipinagtabuyan ko nalang itong umalis. Di naman sya magpumilit na at naka-ngiti nalang na nagpaalam.

Napapuntong hininga ako ng ilang ulit habang dahan-dahang inihahakbang ang mga paa sa patag na kalsada.

"Ang daming nangyari ngayon." Ang sabi ko pa sa sarili habang nakatungo ang ulo. "Pero okay lang nalaman ko ang good side ni Dane." Positibo kong sabi nang maalala si Dane.

Napa-kagat labi naman ako nang ma-alala ang music box at yung pag-babalik ko sa nakaraan. "Possible nga kaya na ako sya?" Pero bakit at paano?" Mahina kong iling, puro tanong parin kasi ang nasa isip ko kapag naiisip ko ang nangyari kanina.
"Pero okay lang dahil dun nakausap ko si Dane." Pagpapalakas loob ko sa sarili kahit na naguguluhan. At si Dane nalang ang ginawa kong dahilan para mawaglit ng saglit ang mga kakaibang pangyayari kanina.

"Si Dane lang talaga ang magpapangiti sa akin." Ngiti kong sabi habang pabilis ang aking paglalakad, na-aninag ko na din ang kinatatayuan ng aming bahay.

Pero bigla naman akong napahinto nang kumudlit ang pangalang Raul sa isip ko."Ra-Raul."
"Hoy! Ate! Anong nangyari sayo!?" Tawag ni may-may sa akin. Nakita nya kasi akong napahinto sa gitna ng daan na parang may malalim na iniisip.

"Wala, Nasa'n si Nanay?"Tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang sapatos saka inilagay sa likod ng pintuan.

"Andun kela Aling Laila na niningil ng utang. Sagot naman nito na sumunod sa akin.

"Ah okay, sige matutulog na ako."

"Agad!?" Gulat na sagot patanong ni May-may. Naka taas pa ito ng kilay at nakapa mewang.

"Oo, bakit?"Wala sa loob na sagot.Dederetsi na sana ako ng kwarto, ngunit agad naman itong nagsalita na ikinahinto ko.

"Wala ka bang pasuk sa trabaho?Bakit ang aga mo dumating?"
Tinitigan ko lamang sya.Matapos noon ay pumasuk tuluyan na akong pumasok sa kwarto.

"Hoy, Ate! Sagutin mo ako. Antok na Antok lang?" Rinig ko pang sinabi nya. Napabuntong hininga na lamang akong inihagis ang aking bag sa kung saan mang sulok ng aking kwarto saka parang pagod na ibinagsak ang aking katawan sa kamang manipis ang kutson. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at hinawakan ang aking sintido saka ito minasahe.

"Anong gagawin ko? Wala na akong trabaho."Kausap ko sa sarili at hindi parin makapaniwala. Agad naman akong napabalikwas sa aking higaan at humarap sa salamin.

Nakatitig lamang ako sa aking hitsura. Pinagmamasdan lahat ng parte nito.
Saka ko hinubad ang aking uniporme at ang lahat ng saplot na nakapalibot sa aking balat. Itinara ko lamang ang aking pang ibabang underwear saka muling tumitig sa salamin.

"Isa talaga akong babae." Nasabi ko na lamang. Matagal ang pagtitig ko sa aking sariling pustura.
"Babae na ako." Parang panaginip na nagtugma at nagkatotoo. Matapos ko kasing masaksihan ang eksena kanina'y napagtanto na parang nabuhay akong muli. Mula sa katauhan ng isang lalaki na ngayon ay isang ganap na babae. Bagaman malabo parin sa aking isipan ang mga sagot sa aking mga tanong ay tumutugma naman ito sa aking mga nagiging kutob.

Hinaplos ko ang aking mahabang buhok na hangang balikat. Maging ang aking makinis na mukha. Napapa- oo ako't na papasang-ayon dahil gusto ko ang aking nakikita. Mapupulang labi, mapilantik at mapungay na mga pilik na mga mata. I even have  a body statistic of 34-25-36. It's a perfect combination for me of being a woman. Hinaplos ko pa ang aking mayayabong na dibdib para siguruhing totoo nga ito.

"This isn't a dream."Sabi ko pa na humiga muli sa kama kahit walang saplot. pumikit akong muli at bumuntong hininga.

"Hindi ko sasayangin ang mga sandaling isa akong babae, sa pagkakataong ito gagawin ko ang lahat to look more georgous." Nasabi ko nalang nang may pag ngiti. May kung anong biro kasi ang pumasok sa aking isipan.

"I don't want to miss this opportunity."Dugtong ko pa habang humarap ulit sa salamin. Itinaas ko pa ang aking kilay at saka inilagay ang aking kamay sa bewang. Para kasing naging iba ang aking pakiramdam at pananaw mula nang maganap sa aking harapan ang mga pangyayari kanina.

Hinanap ko naman ang aking bag saka hinalungkat ito upang makita ang music box. Pinatugtug ko itong muli habang ako'y nagbibihis ng pambahay.

"This is gonna be my best birthday ever." Matapos ng paulit-ulit na pakikinig sa saliw ng musika'y unti-unti na akong nakatulog na tila kinalimutan na ang trabahong nawala o ang inang naniningil ng utang para may agahan bukas. O maging ang mga maiingay na kapatid na nasa kabilang kwarto lamang.

BEGIN AGAIN (Twisted Fate) #Wattys2019Where stories live. Discover now