HASHTAG // FOUR: #OneCondition

265K 5.4K 123
                                    

Hashtag // Four: #OneCondition

Avery's POV

Ngayong nalalapit na ang opening at welcoming festival ng school, mas lalo kaming naging busy ng SSC. Ang daming kailangan gawin, ang daming dapat ihanda.

Minsan naiisip kong tumigil na lang sa pag-function as a leader pero hindi ko yun magagawa kahit kailan dahil naging masaya ako dito. Oo, nakakapagod, sobra, pero doble naman ang kasiyahang hatid ng ngiti ng mga estudyanteng natutulungan mo sa bawat araw.

"Raven!" Mataginting ang boses na sigaw ko kay Raven mula dito sa kwarto ko.

Nasa kwarto kasi siya ngayon, baka nag-iinternet na naman. Wala na talagang ibang ginawa yung lalaking yun dito sa bahay kundi ang mag computer. Bawing-bawi nga ako sa kagwapuhan at kakisigan niya, luging-lugi naman sa pagkababaero at pagkatamad niya!

"Tsss. Ano?" Masungit na sigaw niya mula sa loob ng kanyang kwarto.

Aba, ang sungit nito ngayon, ah? I mean, di naman siya laging nagsusungit. Pagngisi kasi ang kadalasan niyang ekspresyon sa mukha. Marami kasing kalokohan sa buhay! Kaya nakapagtataka na ang suplado niya ngayon. Hindi ko na lang siya sinagot dahilan upang sumigaw siya ulit.

"Hoy, ano nga Avery? Istorbo ka masyado!"

Ay, ang sungit niya. "Pumunta ka dito sa kwarto ko, bilis!" Sigaw ko sa kanya. Alipin!

Natahimik bigla sa kabilang kwarto. Walang Raven na sumagot. Naningkit ang mga mata ko. Bwisit, tinulugan ba ako nun?!

"Raven!" Ulit ko. Kainis 'tong lalaking 'to. Di ko man lang ba ito mauutusan?!

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagpihit niya sa pintuan ng kwarto ko at doon inilabas si Raven na naka-boxers lang at naka-sando ng puti.

Napalunok ako. Kitang-kita ko ang braso niya. Medyo basa pa ang buhok ni Raven. Kanina pa siguro iyon naligo kasi medyo umuuga na. Kaya hindi ito ang sanhi kung bakit siya natagalan.

"Ba't ang tagal mo?! Hindi mo ba alam na masamang pinaghihintay si Prinsesa Avery?" Halos matawa na ako sa sariling kalokohan ngunit pinanatili ko na lang seryoso ang aking mukha at tinaasan siya ng kilay.

Napataas ang kilay niya sabay halukipkip. "What?"

Medyo lumapit siya sa kama ko. Napaatras naman ako kahit medyo malayo pa siya sa akin. "Ano ba ang mga kayang gawin ng isang naiinip na prinsesa? Oh. On the second thought, hindi ka naman mukhang prinsesa ah?" Nakataas kilay pa rin siya habang sinasabi ito.

"Duh. Don't care." Inirapan ko siya. "Pero marami akong kayang gawin kapag ginagalit!" Nakasigaw na sabi ko. Napalunok ako sa kung gaano ka-intense ang titig niya. Yung parang tinitignan niya pati kaluluwa ko. Kumalabog ang puso ko habang nakatingin rin sa kanya. I gulped. Why is it that he's this good looking? Nakakainis!

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili kong mapatili. Urggh, ang gwapo ng lalaking ito! Nakakabwisit na ganito siya ka-gwapo. Naka-lip bite pa siya. Mas lumapit pa siya sa akin at ako naman ay unti-unting umaatras.

My Possessive Hunk Husband (Possessive Series #1) #Wattys2016WinnerWhere stories live. Discover now