The Sweetiest Lie - Chapter Four

6K 107 1
                                    

" THE SWEETIEST LIE " 

[ Sa aking Puso ] 

By : "Ms. Alejos" 

IKA-APAT NA KABANATA 

MULING PAGBABALIK 

NANG makabalik nang mansyon si Hershey.. Tila hinang-hina sya, sinalubong naman sya ni Mrs. Forbes. 

"Hi iha! Oh kumusta ang paging na pinuntahan mo..?" agad na tanong nitu.. Naupo muna si Hershey sa malapad na upuang pang isahan.. 

"Maayos naman ho Mrs. Forbes, marami hong naging panauhin sina Governor.. At talaga namang engrande din ang kaarawan nang kanilang anak.." paglalarawan ni Hershey sa kanyang nasaksahin.. 

"Mabuti kung ganoon.. Nag-enjoy ka na man ba doon?" muling tanong nang Ginang.. 

"Ayos naman ho.." maikling sagot nang dalaga saka nagpaalam na aakyat na muna sa kanyang silid.. 

Sinang-ayunan na rin nang ginang na makaakyat eto batid nyang napagod din eto sa dinaluhang kasiyahan. Dahil sa may hair spraynet ang kanyang buhok at may pintura ang kanyang mukha, minabuti ni Hershey na maligo sandali nang sa ganoon hindi naninigas ang kanyang buhok kinabukasan. Madaliang ligo ang kanyang ginawa, sabay pinatuyo ang buhok gamit ang blow-drier nya.. Matapos iyon nagsout na sya nang damit pantulog, saka nahiga para ipahinga naman ang kanyang utak hindi ang pagal na katawan. 

Nakailang biling na sya sa higaan pero mailap ang antok sa kanya, kinuha nya ang telepono at tinawagan ang linya sa kusina. Alam nyang ang mayordoma ang nakasagot kaya naman nakisuyo sya na pakipadalhan sa silid nya nang isang basong gatas. Agad naman na tumalima ang katiwala at eto na mismo ang naghatid nang fresh milk kay Hershey.. 

"Salamat ho, pasensya na sa abala.." nahihiya namang wika ni Hershey.. 

"Senorita talaga, wala ho kayong dapat na ikahiya, trabaho naming pagsilbihan kayo. Dahil binabayaran nyo kami.." tugon naman nang may kaidaran nang babae.. Ngumiti nalang si Hershey at nag magandang gabi sa babae. 

Nang maisara nya ang pintuan nang kanyang silid isang lihim syang natawa, hindi nya kase alam kung may pamilya na ba ang katiwala. She want to spent some time for theme kaya lang ang mga eto naman ang ilag sa kanya. Tangging ang dalawang kasambahay na syang palaging naglilinis sa silid nya ang nakakausap nya tipid pa kung sumagot.. Nang mainom nya ang gatas muli syang bumalik sa pagkakahiga nya sa kanyang malapad at malambot na kama. 

"Hershey! Hershey!" sunod-sunod na tawag sa kanya nang lalaking pamilyar sa kanya ang boses.. Nilingon nya iyon.. Napakasaya at napakalapad nang ngiti nang lalaki, tinatawag sya nitu na lumapit sya.. Patakbo naman syang lumapit at yumakap dito. Tawanang walang humpay ang kanilang ginawa. Hawak nitu ang kanyang violin, inaawit at pinatotog-tog ang napakagandang pyesa na talaga namang di pinagsasawaan ni Hershey na pakinggan..

SA AKING PUSO

Uulit-ulitin ko sa 'yo 

Ang nadarama ng aking puso 

Ang damdamin ko'y para lang sa 'yo 

Kahit kailanma'y hindi magbabago 

Chorus:

Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw 

Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw 

The Sweetiest Lie (Sa aking Puso) [Completed]Where stories live. Discover now