Chapter 9

16.1K 416 41
                                    

A/N: Happy birthday Ate Noreen! This chappy is for you! ♥♥

//

"What's going on?"

They all turned around and saw that Vice was back with Toni. He made his way sa gitna nina Karylle at Marian na mukhang may nag iinit na diskasyon.

"Bakit nag aaway kayo?"

"Hindi kami nag aaway, Vice." Marian faked a smile.

"Karylle?" Sabay tingin ni Vice kay Karylle na parang nag eexpect ng paliwanag.

Napalunok si Karylle at tumingin din kay Vice with a fake smile, "Sorry for the inconvenience. Hindi na mauulit."

"Walang magsasalita, ganon?" tiningnan ni Vice isa isa yung mga girls na nandun.

"Eh kasi Vice--" magsasalita na sana si Angel ng hawakan ito ni Karylle sa kamay at sabay nag clear ng throat as if telling Angel to stop.

Napa-snort naman si Marian and rolled her eyes at Karylle habang di nakatingin si Vice sa kanya.

Tiningnan ni Vice si Marian then Karylle. Hindi naman tiningnan ni Karylle si Vice at in-excuse ang sarili, pero sinundan ito ni Toni para icheck-up ang kaibigan.

"Vice, can I have some alone time now?" tanong ni Karen at hinook ang kamay sa braso ni Vice.

Tinigil na ni Vice ang pagsunod ng mga mata nya kung saan papunta si Karylle at nag clear ng throat, "Wala ng magsasagutan, okay? Ayokong nag aaway kayo." sabi ni Vice sa mga babae.

Tiningnan ng masama nila Angel at Iza si Marian bago ito tumango sa sinabi ni Vice.

"Lead the way, Karen." sabi ni Vice kay Karen at umalis na sila.

//

Bumalik si Karylle sa bar at nag pagawa ng kape sa bartender. Toni stood on her right while lumapit naman sa left nya sina Georgina at Liz na na-curious after mapanood yung nangyari.

"Karylle, okay ka lang?" tanong ni Liz at binaba muna yung drink nya.

"We saw what happened..." sabi naman ni Georgina.

"Girls, pwede ba, iwan nyo muna kami ni Karylle?" Toni sat down sa isang stool sa bar at pinush din si Karylle para makaupo.

Umalis naman sina Liz at Georgina para bigyan ng privacy ang dalawa. Toni squeezed Karylle's hand na nakapatong sa bar, "Tell Vice what happened, paniniwalaan ka nun."

"Hindi naman importanteng malaman pa nya. Labas naman yun sa kung ano man ang pwedeng maging kami."

"Yeah, pero kakausapin pa rin sya nila Marian... I'm sure ibang kwento ang maririnig nya."

"He'll either believe them or not. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag... I don't want to be the girl na magsusumbong pa sa kanya."

"Miss, eto na yung coffee." sabi nung bartender at inabot yung coffee kay Karylle.

"Let's sort Anne."

"Kami na bahala kay Anne," sabi ni Toni na inagaw yung kape kay Karylle, "Makipag one to one ka kay Vice. Wag kang magpahuli ulit ha."

//

Matapos ang lagpas na isang oras na pag mimingle ni Vice with the girls ay he's down to the last two. Kila Anne at Karylle. Dahil napansin nyang sobered up na si Anne, ito muna ang kinausap nya first. Dinala nya ito sa isang bench sa labas ng club para naman makahinga ito ng fresh air.

Bite The Bullet | VicerylleWhere stories live. Discover now