10

299 17 7
                                    


Cerise kang's Messenger.

-

HAkDogNisM

Taeyeonie left the group.

Cerise

Lagot kayo, bat nagleft yun?

CaiLeen

epal kasi yan si sage eh

LisaMpu

yaaan balakaujan tngnanyo.

Keiji

lah?

JisooPerGanda

yan kasalanan mo 'to keiji.

Keiji

bat ako?

Yeolyeol

HAHAHAHAHAHA

Cerise

Pwede ba, wait lang ha? pupuntahan ko pa lng si yeonie.

Lulu

sige sige cerise ingat ka.

Keiji

tanong mo na rin kung ano yung problema nya ha?


-


CERISE

Nakita kong nakaupo si Charity sa tapat ng bahay nila sa labas, nakayuko ang ulo sa kamay na nakapatong sa tuhod. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng Charity, karaniwan Felicity o Charlene ang tawag sa kanya.


"Charity!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya pero hindi nagsalita. Lumapit na lamang ako at umupo sa tabi niya. "May problema ba? Bakit mo 'ko pinapunta ngayon dito, atsaka gabi na eh."


Hindi kasi ako papayagan kapag ganitong oras na. Sinabi ko na lamang kanila Mama at Papa na may emergency dito sa bahay nila Charity. Nag-alala din sila kaya pinayagan na lamang nila ako.


"Wala naman, pero parang ang weird ko kasi nawawalan ako sa mood ngayon." Sagot niya. Nag-isip ako ng magandang tanong para na rin i-comfort siya.


"Bakit dahil ba kay Keiji? Wag mong sabihing gusto mo na siya?" Posible kasing mangyari 'yon. Ganito naman kasi ang nararamadaman ng iba kapag may nagugustuhan silang may iba ng gusto.


"Hindi ko alam, pero ewan eh, parang nairita ako sa nakita ko."


Fake WorldWhere stories live. Discover now