Chapter 1: Why?

87 7 0
                                    

*Shiela's POV*


Malalakas ang tugtog at makukulay ang mga ilaw sa loob ng bar.


Dito ay kaharap ko ngayon si Paulo, one of my Bestfriends. Magkalapit ang aming mga mukha at sya'y bahagyang nakaakap sakin.


Hinahaplos nya ang aking braso habang ang isang kamay nya ay naka-suporta saking beywang.


Nahihilo na ako kaya di ko masyadong maintindihan kung bakit ganito ang mga ikinikilos nya.


Hinawakan nya ang aking kaliwang pisngi at bumulong.


Di ko rin narinig at naintidihan yaon dahil sa sobrang lakas ng tugtugin at dahil nga sa nahihilo na ako.



Unti-unti ay nakaramdam ako ng panlalamig sa buong katawan. Parang may mga tubig na pumapasok sa aking ilong kaya nahihirapan akong huminga.



Naramdaman ko na lang na basang-basa na ako dahilan kung bakit naimulat ko sa wakas ang aking mga mata....


The BestfriendsWhere stories live. Discover now