46. | Kyra's

797 37 32
                                    

Pagkadating ko sa may 7eleven, dumating na agad si jeongwoo at agad na kami nag simula yung pag hahanap namin kay Haruto.

Kilala ko si Haruto alam kong hindi niya magugustuhan yun dahil alam niyang sa sarili na hindi pa siya handa doon at bata pa siya masyado doon para gawin yun. Kilala ko siya kasi naranasan kong maging girlfriend niya noon.

Kung saan saan namin siya hinahanap...at bigla nalang pumasok sa isip ko ang isang lugar...ang bar. Sinabi ko kay Jeongwoo na pumunta kami doon.

"Sigurado ka ba na posibleng doon dinala ni Airah? Hindi ba pag babawalan tayo papasukin doon?" Nagtatakang tanong ni Jeongwoo sa akin.

"Hindi yan! Ako bahala" sagot ko sa kanya at pumunta kami doon.

"Oh ano na? Anong plano?"

"Magpanggap tayo na 19+ tapos magdidisguise din tayo" sabi ko at agad ko naman siya hinila papunta sa may isang apartment which is pinauupahan ko. Kinuha ko agad yung susi sa bulsa ko at binuksan ko na yung pinto pagkabukas, agad ko naman binuksan yung ilaw at pinapasok ko na si Jeongwoo dito.

"Wow may bahay ka pala malapit dito?!" Wow si tnga hangang hanga na may bahay ako dito hehehe.

"Oo inuupuhan ko lang ito. Noon kasi mahilig ako pumunta sa bar simula nung nag hiwalay kami ni Haruto noon pero ngayon hindi na kasi bumabalik na ulit ako sa dati" Sagot ko sa tanong niya at agad ko naman binato sa kanya yung dress ko.

"Tngina!? Bakit dress!?" Napangisi ako sa tanong niya.

"Syempre magdidisguise tayo at wala akong damit na panlalaki dito malamang babae ako kaya pagpasok natin doon babae ka muna ikaw muna si...Joanne"

Tapos na kaming ayos. Ayos na ayos kasi mukhang mas babae pa talaga yung kasama ko na si Jeongwoo slash Joanne at tumuloy na kami doon sa bar.

Pagpasok namin doon sa loob hinahanap namin sila Haruto...sa dami ba naman tao ang hirap nilang hanapin si Jeongwoo naman na si Joanne ayun may naharot na sa kanyang lalaki, akala siguro babae talaga.

Iniwan ko muna si Jeongwoo kasi alam ko naman na wala mangyayari doon kaya dumeretso muna sa mga kwarto na may VIP, nag panggap rin ako na isa rin ako sa mga VIP. 

Kaya nag simula na ako isa isahin yung kwarto wala na akong pakialam kung ano pa ginagawa ng mga tao doon basta lang makita ko lang si Haruto at mailigtas ko lang siya.

Pagpasok ko sa isang kwarto unexpected ko na hindi ko inaasahan na may ginagawa sila...

TogetHER | Haruto WatanabeWhere stories live. Discover now